T O P

  • By -

frotfeet

Nung bata ako oo iniisip ko yan. Pero di rin tumagal sinabihan ako ng magulang ko na, ok lang yan wala namang mali kung nakapambahay ka. Magmula noon, di ko na iniisip ito. Ngayon mas madalas na ako pumunta ng mall nakatsinelas, shorts, at tshirt na luma. Minsan nga, napasobra yung pagkarelax ko, nakalimutan ko na may pupuntahan akong event tapos nung naalala ko nakapambahay lang ako, malapit na ako dun sa venue. Kaya tinuloy ko na lang pumunta. Wala namang nanita at wala din naman tumitig. Totoo ngang walang pake mga tao. Tingin ko, malaking factor ang perception mo at pagpapalaki sayo ng magulang mo. Tulad nung kwento nung isa na may nanay na sa jeepney na nagsabi sa anak niya na di na lang muna sila tutuloy sa mall kasi nakapambahay siya. Ako naman, dahil bata pa lang tinuruan ako na hindi malaking bagay kung ano suot mo sa labas o sa mall, di ko masyadong iniisip to. Dahil din siguro lumaki ako sa metro manila, mas casual ang mga tao at dahil fast paced ang buhay, ang mga tao wala talagang pake. And dahil nga siguro, mas conservative and traditional sa province, at magkakalayo ang mga pinupuntahan at mga bagay-bagay sa province, mas defined at separated ang activities sa bahay at kung may lakad or ocassion na pupuntahan. Therefore parang dapat iba ang "pambahay" at "panlabas" na pananamit. At dahil sa metro manila madalas malapit lang sa bahay ang mga mall, yung pambahay parang pang labas na rin. At yung panglabas, parang pambahay na rin.


wrtchdwitch

My rule is kung malapit yung mall, edi nag papambahay lang ako. So if ever saw someone na naka pambahay lang, I always assume malapit lang sila sa mall. I don't really judge kasi bat ka pa mag ge-get up eh isang jeep, tric, or even lakad lang naman yung mall


[deleted]

Wala kaming pakialam. Hahahaha


Impressive-Hamster84

you’re just an extra in someone else life ✌️


Impressive-Hamster84

ok lang po, basta hindi kanaman nakakaistorbo sa iba. example ng hindi ok ay: maganda nga porma mo pero nangangamoy kanaman, or sobrang amoyng pabango mo na makakadistract ka sa mga tao na malapit sayo.


amiablelurker

Oo naman. Kaya lang din naman pupunta ng mall kasi may errands. Di na need mag ayos


Puzzleheaded_Try2644

Kevs. Kahit naka pangbahay ka pa, ang importante may pera kang dala na pamabayd


she-happiest

Walang pake. Ganyan din kasi ako 🤣


stellatereticulum

Naka pantulog lang po ako pag mag Shangrila. I live sa tapat lang. Haha Sometimes kasi tayo lang din nagjujudge sa sarili natin. Kanya kanyang trip in life ☺️


dimensionGalacticZ1

Ang mang ju judge lang naman sayo yung mga salesman at saleslady pero kahit naka shorts, tshirt at tsinelas ka walang problema don


Square-Whereas-5022

Wala silang pake 🤣 Tsaka Ganyan rin ako pumupunta sa mall. I see no reason para ijudge ka nila ganun.


Vampirewho

Wala naman, okay lang yan ako nga todo porma pero pera ko 50 pesos lng hahaha


ohthemeeksery

Wala namang problema kung nakapambahay haha. Problema na siguro kung nakahubad kang pupunta sa mall.


Personal-Nothing-260

*Mandurukot outfit 😎


Substantial_Deer_451

Wala naman issue siguro kung nakapangbahay.Ako nga nakapantulog pa naggrogrocery sa loob ng Mall.Ang importante hindi ka Naka hubo.Hindi naman issue suot.


oreominiest

If di naman bago ang mall sayo and di naman big deal sayo why would you bother to dress up diba? Personally i don't "dress up" unless very formal yung place or medyo fancy. Pero kung simpleng malls lang or cafes, simpleng shorts lang and shorts, minsan jacket or sweater, tapos tsinelas.


TheUniverseRather

Wala namang issue. Basta maayos enough to go inside a mall. May friend kasi ako dati napagkalaman na nanlilimos kasi full blown pambahay na may butas butas wahaha


Think-Temperature-44

I go to Dubai malls sometimes wearing pambahay na damit. I really dont care. As long as decent no problem


SAHD292929

Iisipin ko na ikaw si Xian Gaza.


Babaching1

Dont worry po di ka mc sa buhay ng iba so kung san ka comfortable


MenmaSenpai_PH

Pupunta ako sa mall kasi magbabayad ako ng bills, yun lang. Saka bibili ng 2nd hand na libro. Dalawa lang kulay ng damit ko, gray at black na walang print. Tas shorts, minsan jogging pants. Lampake sa nasa paligid ko, you do you at pabayaan mo yung thoughts ng iba.. Tiyek


InvestigatorOrnery82

Yung mga multimillionaire businessmen nga dito sa amin, naka free tshirt lang sample boysen tapos mumurahing tsinelas at shorts.


AliShibaba

People who wear pambahay in malls are based. Imagine all the people around you are doing their best to look their best because going to the mall for them is "going out", while you're wearing pajamas as if you were going to buy milo satches from the local sari-sari store.


Delicious-Patient235

How's this for context? When I was growing up, hiyang hiya ako sa parents ko kasi they go to the malls in tsinelas, kamiseta .... Talagang pambahay. Adult na ako when I figured out my parents were filthy rich, living in those exclusive villages, chauffeured and everything ... but they just didn't want to stand out. Ganun na lang isipin mo kaya. Na super yaman mo kaya kailangan low key ka lang so people will igmore you :D Does that help?


NorthEastSouthWest96

Wala. Wala kong maiisip kasi wala akong pake sa suot mo. Unless manununtok ka bigla chzzz


liquidus910

ok lang nakapambahay. wag lang siguro nakahubad. pero kung papasukin ka ng guard sa loob, go lang


crywolf-227

Kiberrr. As long as di nakahubad.


Positive-Line3024

Mall outfit namin ng pinsan ko oversized shirt and pajamas. Sm grand kami nagpupunta. You're fine 😉


Chrismusx

Pumunta nga ako sm manila ng nka pajama pantulog e 😂


No-Carry9847

Lol nanay ko insisting na magbihis ako ng maayos eh may bibilihin lang ako na item sa grocery I'm wearing shorts shirt tsinelas. Ang sabi ko ang mahalaga may pambayad😭 saglit lang naman akooo


shinyahia

Okay mag pambahay sa mall, di ka ooferran ng mga condo/insurance/credit card hahaha


Independent-Put-9099

Nakapambahay lng rin ako punta mall ses. Ni eentertain naman ako pag may neex akow


CaptainFries178

Ako nga one time butas² na tshirt pambahay e. Pero legit bumili kasi ako ng bagong phone. Nabili ko naman without judgements. Excited e. Kakakuha lang kasi ng 13th month pay. 😆 And one trike lang ang mall samen.


centauress_

Wala akong pake kase ako rin ganyan minsan hahaha But of course, i also dress up most of the time kase i work from home and yan lang yung time na nakakalabas ako ng bahay and i also want to look good for myself 🥰


haweetzayu

Minsan nga nakaboxers pa yung iba nasa mall, pero wala naman may pake e.


Ghxaxx

Southie here. Uniform na namin yan sa malls 😂


bigzalla

I dont care about peoples outfits. Naka LV man o naka tsinelas, tingin ko sa kanila pantay.


Masocheese05

Kami nga tapat lang namin SM kahit bagong gising lang at nakapangbahay pa haha


millionaire-dreamer

Malapit rin kami sa mall and honestly, nakapambahay lang rin ako pumunta since malapit lang. Nag pupunta lang rin ako sa mall for small/quick errands and groceries so for me there's no reason to dress up. The only time na nagaayos ako para pumunta sa mall is pag may kikitaing friends or gagala.


zerolilac

may malapit din samen na mall and nagpapambahay lang den ako kung saglit lang at may bibilin lang. as in chinelas and kahit may butas na shirt (maliit lang ha! haha) ok lang pero kung kain sa labas, nag pang outside na damin hehe


squishy_mochichi

Same. Iniiwasan ko nalang na magmukhang maasim 🤣 Tips para di naman mukhang maasim? hahahaha


Creative_Pop_486

Ako Rin pumupunta sa mall nkapangbahay lang, malapit lang din naman kc sa Bahay.


Friendly-Abies-9302

Ako na lumaki na kala ko normal lang to. 🤷‍♂️😅 kahit san pa yan basta maayos naman damit mo at saka hnd ka mabaho.


squishabolcg

Ganyan lang din outfits namin kapag nag-go-grocery kami (and sa local Waltermart din!) Comfort kasi over fashion, tsaka wala pang 5 mins yung layo sa bahay. Wala naman akong naiisip na weird kapag nakakita ako ng ganyan, most likely "uy ang daming naka-plain white at black kasi ang init ngayon" hahaha.


absolutelyrational

ehhh ngl feel ko sila. kasi for me parang may "category" ako sa mga ganun. waltermart? no need to effort, maliit lang naman siya usually. so minsan nakapajama + crocs lang pagpunta. marami rin namang nakapambahay dun. essentials lang din mostly and walter. pag sm, robinson, etc. dun nako magpoporma.


anya-starlight

Feel ko mayaman ka kung ganon. The less you show, the more you have


2w1c3

para sa akin di naman big deal kung nakapambahay ka sa mall o hindi e. nun sa may shaw pa ako nagrerent nakapambahay lang ako napunta sa shang at megamall 😅


Sweet_Stuff_7642

Wala dedma kasi ganun din ako, lol. Minsan nga naka pajama pa ko kung pumunta since tawiran lang yung mall samin. Iba-iba naman preferences ng tao at nasa kung saan sila kumportable. Minsan nga pag naalis kami naiinis nanay ko kasi bakit daw ganun suot ko, magpantalon daw ako or what. Gusto ata naka gown pang pupunta kahit sa Palengke HAHAHA sa sobrang init sa Pilipinas mas gusto kong magsuot kung saan hindi ako maiirita


Ok-Exchange-7483

Ask anyone na true born south, nakapambahay kami lagi sa mall. Medyo nagbago bago na nga lang with the boom of molito in alabang na medyo nagdress up na people


zamzamsan

ah basta kapag nag mmall ako tas may nakikita akong nka pambahay, iniisip ko na "tiga dito lng sguro to/malapit lng siguro bahay nito dto(sanaol)" 😂 ​ ganun kasi ako, may 3 mall na malapit lng dito samin 10 mins na biyahe kapag nka kotse at 30 mins nmn kapag nilakad lng. madalas nka shorts at sando lng ako tas hawak ko lng ung wallet kapag may errands like grocery or gusto lng kumain sa labas. 😂


chrstngee

Doesn't matter the same with those people who like to dress up when going out. Live your life people!


Yevrah1989

I mean.. kung pinapasok ka ng guard ng mall ng nakaganyan ka.. ano pa sasabihin ng ibang tao? Unless na lang may restrictions talaga un mall or place na pupuntahan mo na required mag formal or closed shoes, then doesn’t really matter kung ano tingin ng iba sa suot mo..


deathovist

Wear what you feel like wearing. Nobody actually cares. However, if you want to be prioritized if ever you want to purchase something lalo na yung mga mas may presyo na bagay, it pays to dress up a little. Yun naman talaga ang realidad whether we like it or not. You don't always have to go against the grain just to project yourself. Minsan, take joy from things na nagpapadali ng buhay mo.


ajaj4

Wear what you want. At first conscious ako sa mga sinusuot ko and presentation ng sarili ko sa iba like I can't go out without make up. Pero dumating naman na ako sa point na wala na ako paki? siguro na overcome ko na ganon. Now, every time I go to the mall, depende sa mood ko and what's available in my closet yung suot ko. Either pambahay, pajama, casual to smart casual.


Low-Average-8619

Malapit lang sa bahay namin yung SM pwede lang lakarin kung gugustuhin so kadalasan pag nag grocery ako naka tsinelas lang rin ako tsaka pambahay kasi ayokong maraming labahan. 🤣 Pwede naman siguro diba hindi naman bawal? 🤣 Kakain pa ako nyan minsan sa fast food after tapos bibili ng kape bago umuwi. 🤣


Fabulous_Coconut575

That’s okay! Ako nga nagmmall na nakapang tulog pa. Minsan kasi need lang naman bumili ng isang item. Di naman need na bihis na bihis ka. Wala naman silang pake 🤗


Curious_Unit_5152

Wag kang ma-conscious. I lived in Makati dun sa tabi namin Waltermart. Minsan pupunta lang ako ng naka-short at white shirt, walang eme sa face. Naka clamp lang hair ko. Never ko inisip kung ano tingin ng iba like who cares naman diba.


Tinney3

As long as hindi ka amoy kanal/araw/imburnal/kulob, kahit butas-butas pa suot mo walang dapat may pake. Unless you're affecting others in the sense of offending them, nobody has the right to bat an eye. Sometimes I dress myself "poorly" para di ako istorbohin ng mga nag aalok ng condo/credit card pag medyo mababa social battery ko to even just say 'No'.


[deleted]

Kung saan ka masaya, suotin mo.


creepycringegeek

Walang pake. Kasi personally, sinusuot ko kung saan ako komportable. Laki din ako sa probinsya kaya mas gusto ko nka pambahay lang, shorts tshirt at slippers ang suot ko pag gumagala at kumakain around BGC kasi dito lang din kami nka tira ng partner ko. As long as kaya ko bayaran kinakain at mga binibili ko, wala akong pake sa iisipin ng iba kung wala sa standard nila ang suot ko haha.


Posterity2020

You do you, OP. Nagpupunta ako sa grocery, suot maxi dress like daster tapos no bra. Free the boobs.


fadedgreenjeans

Hindi. Kasi dumadaan lang ako ng mall pauwi from class or work kasi dun ang terminal pauwi. Pag grocery lang sure naka-pambahay pero may underwear. Hehe


macabre_xx

MC vibes.


Jesusness2021

Na iintindihan kita. Sa akin ok lang na makita ka na naka pambahay since wala na ako sa pinag daraanan mo kung masaya po kayo suot nyo. Pero kung like mo mag bihis ng maganda it is up to you nalang para hindi ka na nag iisip pa ng kung ano ano.


Accomplished-Lie4259

I go to the mall with my PJs i dont give a fuck katamad mag ayos haha


pastebooko

Nakapambahay, madalas sila pa yung naka kotse pag nagpupunta ng mall. Yung bihis na bihis, sila yung nag cocommute. Pero honestly, walang may paki sa suot mo wag ka lang mukang taong grasa.


notyou96

Lumaki ako na kapag nagmamall, gusto ng nanay ko pormado. Nong tumanda na ako at naging independent, wala na akong pake kahit nakapambahay akong pupunta ng mall ang mahalaga may pambili. Haha! Iwas din sa mga naghahabol na nag-aalok ng kung anu-anong products. You do you! Live for yourself.


JuggyHolmes

Dude i wouldn't a fck. Ganun din ako minsan. The only time i would give looks is when may nag nag eeskandalo in public. Or may nag fi-feeling entitled. Or if may nag bo-bother sakin intentionally.


KEPhunter

Cebu to manila flight. Naka worn out plain white tees at board shorts. Footwear ko, beach walk. Its normal. Ang hindi normal ay yung pupunta ka nang wala man lang na pang itaas. Worse, naka brief/panty.


One_Willingness_9853

Ala yan Lodi Ako nga naka boxer shorts lang Minsan sabay t-shirt goods na HAHAHA alang papansin Dyan unless ung guard mismo d mag papasok Sayo HAHAHAHAHHAHA


Secret_Beach1826

Nakaka lakad kami sa venice mall ng naka pantulog and so far, wala pong may paki 😂😂😂


[deleted]

Hehehehehe di pa ngako naliligo minsan napunta ng mall 😆 i dont care 🤷🏻‍♀️ dito ata sa lp/alabang madalas ganun dn ang iba hehe ibang friends ko nakikita ko lng biglaan ganun dn sila hahaha parepareho kami errands lang naman usually kaya ako napunta ng mall hehe pag date or something to look forward to, dun ako nagaayos 😁.


Livid-Childhood-2372

Who gives a shit????


sejo26

Thats normal. Basically mindset ko is the mall is my house. Usually yan pa ang flex. I myself do this. In Alabang ATC and Molito I wore boxers, shirt and slippers and no one batted an eye. Maybe a few looks and judgement from restos pero they still treat me well. I know I can afford it.


asartalo

Nung mga high-school/college years pareho tayo nang nararamdaman. Dama ko kasi noon kung pumupunta ako sa mall tapos wala akong pera at puro window shopping lang ginagawa ko, parang ayokong mapansin kaya mas conscious ako. Nung tumatanda na ako, nabawasan na ito. Pero paminsan-minsan, kung gipit ako at walang trabaho, mas napapa-paranoid ako. Para bang ang pakiramdam ko na naaamoy nila na wala akong pera. Haha! Natural lang ito pero gaya nga ng sabi ng iba, walang pakialam ang ibang tao saten. Carry on!


Defiant_Astronaut339

Its their choice naman. Huwag na silang pakialaman.


Lalalararanana

Sa totoo wala naman talaga pakialam yung ibang tao kung ano suot ng iba unless nakahubad na .


kc_squishyy

Siguro depende sa mall? Pag malapit sa mga residential areas, mga nakapambahay lang talaga mga tao. Kahit ako maiilang pumorma pag maliit na mall lang naman haha. Inaayon din sa audience and outfit lol


Glittering-Quote7207

Wala akong pake haha! Lalo na at very small item labg bibilhin ko sa mall..


MidnytDJ

Well, bka nakapambahay kasi they live nearby or usually my kotse and magogrocery lg. Ung nakaporma lg nmn ung mga may date or family outing.


daymanc137

Who cares


ashraq-

Wala naman kaso kung nakapambahay ka meron pa ngang nagmo mall ng naka pajama. Ang importante kung san ka kumportable.


No-Comparison-9591

Wala namang problema yan unless saleslady ka sa isang high end brand na may discrimination sa customers mo lol


Prudent_Editor2191

Ito personal take ko lang. For example mag shop ako in a nearby mall sa ATC. Pag nakakakita ako ng tao na nakapambahay lang and very casual, if they even get my attention because usually wala naman akong pake, naiisip ko na they just live nearby, like Ayala Alabang. Pag bihis na bihis, probably malayo pinanggalingan. It takes so much effort kasi na magbihis pa kung malapit lang naman pupuntahan mo. Ganun kasi ako, pag may bibilhin ako sa mall, pumupunta na lang ako, minsan kahit di pa naliligo. Mall lang naman yon.


DXNiflheim

Kahit sando short and tsinelas lang Wala naman paki


novokanye_

recently nga literal na pajamas sinusuot ko nung asa hospital kami. lalabas ako sa resto baka pajamas lang literal tapos crocs pa. nawalan na ko pakialam kasi saglit lang din naman lalabas


j3IIybeans

pumupunta nga ako mall wala ligo ih. basta masaya ako. 😂


SugaryCotton

Kapag may nakita akong ganong get-up, iniisip ko siguro malapit lang ang bahay nya. I also did that noon. Hahaha! As long as hindi pantulog kasi parang awkward tingnan for me. Yeah, I see people wear wearing nice pair of sleepware sa palengke. I grew up in different cities in Mindanao but currently in a province here in Luzon. Noon, naka-pambahay lang din ako pumupunta sa maliit na puregold dito. My landlady commented, "ay, yan ba suot mo papuntang puregold?" Yeah, I don't care although parang ganon rin ang tingin ng ibang customers sa akin. Now, since I walk (8 minutes) going to puregold, I wear maong pants kasi naka- walking shoes ako. Medyo ackward na tingnan sa shorts ko na pambahay.


aordinanza

Honestly no one cares kahit naka hubot hubad pa pumunta ng mall di naman kami mag kaka pera kong mapansin naman yan mga yan.


austriap

As long as presentable nman yung suot mo ..meaning hindi butas butas, hindi madumi...ok lng yan.


Yuumii29

Imho as long as naliligo ka properly and walang anghit... No one will give a sh*t.


plumpfairy

Intentional visit? No. Pero like biglaan lang, sometimes. But I don’t mind at all. You do you.though may mga saleslady na nakapaka judgemental sa ganito, di ka nila aasikasuhin.


lavendertales

Ang usual na najujudge ko ay yung nakapantulog whether it is silk/satin or yung nabibili na terno sa palengle. I mention this because may nakikita akong nagmamall suot ung dalawang ito. It seems like bumangon sila sa kama tapos humarap sa tao na walang ligo at pag bbrush ng teeth which to me is disrespectful. Kahit nagbrush pa sila, yun parin yung dating, lousy and lazy. Personally, hindi rin ako ito treating the mall as a fashion show. I go to the mall to fulfill errands and madalas dahil magsusukat ako ng shoes, nakatsinelas lang ako flip flops pa. But decent clothes naman. I think maraming casual wears ang pambahay lang din like shorts and plain shirt. Whether it be Uniqlo, Muji, or sports apparel. My rule of thumb prrsonally is wear something respectable para pag nakita ako ng bosses namin or ng mga taong under me, I still uphold the credibility and respect I build at work.


No_Difficulty_2716

Wala silang pake basta may pambayad ka.


StunningMarsupial900

Lalo na sa ATC, karamihan mga simple lang suot. Walang pakialamanan dun 😊


Enelrad29

It’s funny kasi sa ibang bansa mga tao naka literal pyjamas lang pag nag groceries like literally nag roll out of bed and no one cares. I think it’s more of like our mindset na kailangan maayos hitsura natin kasi nahiya tayo ma judge ng other people, pero honestly noone cares.


anonamehost

Okay lang yan. Nakapambahay ako nung bumili ng phone sa SM (short ko pantulog haha). Sineryoso pa rin naman ako nung nag a-assist. 🤣


say-the-price

Nung nakatira ako sa ortigas, nakapambahay lang ako at tsinelas pumuntang galleria or megamall. You do you.


Fr0003

Ako sinisigurado ko lang na naka toothbrush ako at di butas yung shorts at brip ko. Baka lumabas yung pototoy ko huhu


En19_10969

Nobody really cares, IMO. Ako rin, simpleng tshirt, shorts at sapatos nga lang sapat na. Minsan pa nga, wala ng suklay suklay e lmao. Don't have the energy to think and style on what I'm gonna wear, saka na yon pag may jowa nako chz


ThanksOld1260

Unless gumawa ka ng eksena sa mall. O kaya kung babae ka at sexy ang outfit mo syempre susulyap ako 😀


ivyxivy9

As long as you don’t look dugyot or mabaho or butas butas ang damit, pambahay sa mall is fine for me. It depends sa mall din. For more upscale or luxurious places, something comfy and casual is fine as long as malinis tingnan.


micatsu13

you dress for the situation there are many different types of malls waltermart can get big but they're not the same as going to megamall yung basis ko is if it's more thna 3km or outside of walking distance need mo na ng maayos na damit di na pwede yung pambahay or if you're taking a car


abnkkbsnplakofr

Wala. Kasi pareho lang kami ng suot. 😆 Kung iisipin ko man, baka dahil dyan lang sa tabi bahay nila or baka sa condo ganon. Hindi ko na kailangan problemahin suot ng ibang tao.


Coldwave007

Ok lang kahit ano Basta wag lang nakapaa or underwear. Mahiya ka Naman.


yagami_senpai

Hahah nakapambahay din ako pa minsan minsan. I dont think anybody cares tho. But sometimes napapaisip din ako kase andameng estetik hahaha


detectivekyuu

OP alam mo nakakahiya yung ubo ng ubo at humahatsing na nde man lang ginagamit yung tissue, Face mask, panyo, kamay o siko o kahit ano, yung tlgang shet kinalat mo virus mo sa mall, dame nila nde rin excuse na senior kayo, kaya naglockdown dati eh,


elfrabbit

Nung nasa college ako,nag part time crew ako sa mall. At napansin namin na yung mga todo bihis, sila yung literal bihis lang while yung mga todo simple yung damit to the point naka shirt at sandals or tsinelas lang, sila yung talagang naka dekotse etc na paglabas ng mall dami bitbit na pinamili. 😊 so wala po talaga sa pananamit yan. Wala din sa kulay ng skin ng tao.


heydandy

As long a hindi malaswa yung suot k lang yan. E.g. may nakikita ako naka boxers na medyo loose...off lang lol. Pero anything else acceptable


ILove_sweets

Pag nakakita ako ng ganun, ibig sabihin , MALAPIT LANG TINITIRAHAN nya dun, ako nagpupunta ako ng mall na simple lang, maayos na pambahay lang tas sandals, malapit lang kami sa Market2 eh


furtiveeyes

Alisin natin ang kaisipan na espesyal na lugar ang mga malls na dapat todo bihis kung may bibilin lang naman na gamit. As long as presentable malinis ka, okay lang yun kahit pambahay pa yan.


kabayolover

"tough shit!" yan ang payo ni Vanessa sayo😉


LuckiestGirl_1111

Okay lng yan.


EKFC69420

AKO NGA dito na nasa dubai gagala lang ng naka pangbahay wala ako pake lol


dtphilip

Okay lang naman as long as presentable. Crush ko nga nung HS nakasalubong ko noon naka black shirt at boxers lang sa SM grocery eh ahahaha


JKPHunter

Ako pumupunta sa mall na naka-pambahay at tsinelas pero kapag bibili ako in cash na walang problema at hindi iniintindi kung aabot pa ba sa sahod budget ko. Karamihan ng tao wala naman paki sayo and mostly yung mga taong mapoporma yan yung walang pera na dinadadaan lang porma para magmukhang mayaman.


AgentTidus

Meron na ba dress code sa mall ngayon na hindi ko alam?


Kmjwinter-01

Wala ahahah ano ba dapat isipin? Dami naman din gumagawa niyan ngayon. Kung pwede nga lang mag underwear eh gagawin na din


derUnjust

Ako if gagala with friends, go mag ayos, pero if not and solo flight, tamang pambahay lang din, may bag lang na maliit ganun


schemaddit

wala naman paki mga tao. pero parang mababa self respect mo sa sarili mo


sheisgoblinsbride

I always believe in power dressing! I reaaaaally love dressing up. For anything, for anywhere. But I never ever judge what people wear! Wear whatever you are comfortable with. What other people said is true - we dont really care ☺️


GiatrissaRytte

Bahala ka sa buhay mo unless na naghubad ka papuntang mall


Vermillion_V

For me, wala ako pake kung magpanty't bra ka lang. Sabi nga ng isang poster, madami na kami iniisip na problema sa buhay. ayaw na namin problemahin ka. On the other hand, kung ako naman ang pupunta sa mall na naka-pambahay lang. Ako na ang mahihiya kasi yun store clerk/shop keeper/cashiers, etc ay naka-ayos ng pananamit tapos ako gusgusin na makikipag-usap at transaction. Bilang respeto na rin sa kanila, dapat haharap pa rin ako na maayos-ayos naman. Isa pa, baka hindi ako masyadong i-entertain kapag bagong gising look ako.


moralcyanide

I'm a probinsyana and I dress whatever I want, pake ko sa iba and pake ko suot nang iba. We should be focusing more on things affecting us instead of constantly focusing on what others wear. Getting worked up with what people wear? In this economy?


Same-Celery-4847

Sa Pinas OK lang yung ganito since tropical country tayo pambahy na desente naman ah yung hindi butas butas... Pero, since nasa ibang bansa ako, Japan to be specific hahaha medyo cringy yung ibang pinoy na nakapangbahay na nag grogrocery, like ang poporma ng mga japanese kahit mamamalengke tapos makakakita ka ng nakasando, shorts at tsinelas. Kaya depende sa lugar talaga.


Iansheng

Nasa dry cleaners pa kasi ang Americana ko nun.


Slow-Ad6102

Sa australia nga nakapantulog lang yung iba nakapaa pa walang tsinelas.


japespszx

Basta di ka nakahubad pre, mall outfit na yan hahaha


IDontneedacureforme

Used to do this everyday nung college pa ako. Malapit kasi campus and dorm namin sa isang mall eh wala kaming uniform. There was even one time nagshoot kami para sa event tapos dumaan kami ng mall pauwi, people stared kasi mukha kaming gusgusin with sirang damit and dark make-up.


Apart_Selection_4705

They won't take a time of day to think about what you're wearing unless dumaan ka sa harap nila and you stink. So mabuti na malinis at mabango ka. Kahit nakapambahay ka kung mabango ka naman, mapapansin yun.


impracticaljokers200

Seryoso may pake ka pa sa ganon? Lol


sugardoll8

If iisipin ko ngayon kung meron ba akong naaalala na tao na nakapambahay sa mall na hanggang ngayon ay nababagabag pa din ako…. Nothing comes to mind. Because guess what? Walang may pakialam. People are in the mall because they have their own agenda. Hindi sila pumunta don para maglista ng mga tao na nakapambahay.


EznalTV

Spotlight effect lang yan. Don't worry, nobody gives a shit.


HeyImANerd

ijjudge kita pag wala kang suot at all


loouelle

Dito sa USA kahit nakapambahay ka lang walang pakealamanan sa grocery stores or malls.


aradenuphelore

Ok lang lalo na pag malapit lang naman yung bahay mo like walking distance. * Waltermart mukang sa Dasma ka nagaarala ahhh


Unlikely_Courage_189

Ano pakialam ko sa iisipin niya. Hahaha dami time.


JudasIsmaharot

Aww dressing up when going to the mall only applied to me when I was younger. As an adult, nakapambahay lang pero decent looking pa din naman. Besides, who cares? 🤭


amagirl2022

ang mahalaga malinis ang kuko sa paa chariz! 🤪


Infinite_Operation25

well, ganyan din ako 😆


iloovechickennuggets

Kiber sa suot ng iba kesehodang nakagown or bra at panty lang sila lumabas, sila naman yun eh. Di rin big deal saken kasi wala ako pake. Iniisip ko eh "t4ng!na, nasa labas na naman ako, gagastos na naman ako" 😭😬


Quirky_Ant3217

Sometimes, mapi-feel mo kung paano matahin ng mga alam mong mas pobre naman kesa sa yo like yung waiter na tatlong beses mo ng kinawayan eh sini-seen ka lang, yung cashier sa supermarket na di man lang nilagay sa eco bag mo yung binili mong 2 items, at yung guard na nagsungit nung ask mo saan cr. Nangyari sa akin to sa isang upscale mall. Yung suot ko pambahay na hinahabol ng plantsa. Nakatsinelas bantex. Purita vibes. Don't judge me, I'm not a book! ;)


AnnonNotABot

For me, lalo na mga taga south, we even go to SM southmall, ATC, molito with our pambahay. Kahit ako na taga east na ngayon, nakuha ko yung ugaling nakapambahay sa malls. It's honestly weirder yung maka todo porma sa malls. Like it's just a mall. Madalas walking distance lang sa bahay and tatambay lang naman.


Fresh-Imagination-14

dati conscious ako noon sa susuoting damit kapag mag mamall dahil nga sa naririnig ko from friends and nababasa online kaya i try to dress "mall-approved-outfit" but not oa naman until lumipat ako ng bahay na walking distance sa mall. grabe kapag pagod ka na talaga tapos need mo mag supermarket wala ka ng pake as long as decent, pumpasok na ako ng depstore para mamili ng home accessories kebs lang talaga!!!!


No_Zombie_176

Ok lang yan, ganyan din naman ako e. hindi ka naman checheckupin ng guard kung nakapang bahay ka o hindi 🤣 tsaka wala yan silang pakialam sayo haha


National_Parfait_102

Othee customers dont mind you, actually. Ewan lang sa mga saleslady. Ung iba di ka titigilan sundan, ung iba babalewalain ka.


Humble-Chain6836

Nagpupunta rin ako sa malapit na mall samin ng nakapantulog lng. It's fine. wag ka masyado pa aapekto sa Spot light syndrome. kasi sa totoo lng, abala ang mga tao sa kanya kanya nilang buhay para lang pansinin pa yung suot ng mga tao sa paligid nila.


blueishme11

We always do the same. Not just me but my 2 children and my husband as well. Since malapit lang kami sa mall, there are times na maiisipan nalang namin kumain or mamili in our pambahays.


skye_08

Ok lang naman. Maraming mukhang nakapambahay sa malls. Actually may time din nakapambahay lang ako nagpunta ng sm. Then sa nagtaka ako bakit "extra cold" sa loob ng mall. Until narealize ko hindi pala ako nakabrief. Naka sleeveless shirt, shorts at panlabas na tsinelas lang ako. Haha nagmadali nlng ako kasi baka abutan ako ng flag ceremony sa mall.


neneng-K

No one would mind….. tbh. I wear pajamas even (sometimes)


CarDiscombobulated91

anong pake ko HAHAHAH


mellifluousdamsel_

Minsan yung mga nakapambahay pa yung mayaman talaga hehe


Senior_Win4195

Ginagawa ko din yan except, maglagay ng pabanho.