T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Nag-aya ng dinner na treat daw niya pero ako pinagbayad. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


aiwanyilyaaan

gawing personality ang pagiging suicidal... 🤮


Any-Particular-4996

Nung ex ko na sya at more than 3yrs na kami di nagkikita then accidentally met sa binyagan. Ninang at ninong kame. 🤦‍♀️ Yung tumingin sya agad sakin at sinabing nag chat sya sakin. To think na pamilya ng gf nya at gf nya ang nandun. At nung nagkatapat kami sa reception bumulong pa “awkward”. Hahaha. Kaloka!


SetDry1399

Unhygienic broke fck boi na social climber.


ringooo_o

Umuuwi kasi kami ng province every sunday, tapos bet ko kasi na sumama siya samin ng parents ko para may kausap ako dun since di ako close sa dad side ko tsaka ayaw rin naman ako iwanan ng parents sa bahay mag isa since highschool pa ko non. Then maaga kasi kami naalis since uuwi rin ng hapon kasi sa cavite lang naman kami pupunta. Tinatawag tawagan ko na siya umaga pa lang para magising at makapagprepare at antayin sa bahay. Kaso tulog mantika kasi siya -- then sinabi ko sa mom ko na di talaga siya nagigising, to the point na nagsabi mom ko na kami nalang susundo sakanya. Talagang dere dereto tawag ko sakanya nun kahit habang papunta na kami sakanila na halos naka 50+ missed calls na ko sakanya, di parin talaga nagigising, chinachat ko na ate niya at mama niya tapos ang sinasabi sakin natutulog daw pabalik tas "oh" lang ng "oh". Pagdating namin sakanila, dun siya talaga nagising nung nakita niya ako tas sinabi kong kasama ko sila Mama. Super nakakahiya rin kasi mala disney princess talaga. Di man lang siya nag sorry na inantay pa namin siya.


mikhainacortes

dami. 1. first date namin, nawawala daw wallet niya, pinahanap pa namin sa mga guard sa MOA, binigay description kung magkano laman, ano mga ID na andun, etc. chineck ko isang sulok ng bag niya (sabi niya nacheck na niya, wala raw talaga, pero tinignan ko lang ulit baka may na-miss na spot) tas andun lang pala. walang laman na pera, panay ID lang. tas nadismaya mga guard nun pati ako. kamot ulo na lang siya. nahiya ata magsabi na walang pera pra sa first date (babae ako, ako nagbayad lahat) kaya nagkunwari nawala. (siya nag aya na mag date kami. haha!) 2. wala na raw siya pambayad ng utang, tas bigla niya namention (hindi pala pwede isangla pandora mo love) so nagtanong ako, pano mo nakuha yan? at kelan? at bakit mo itatatry isangla ng di ko alam? nag sorry na lang siya kasi desperate lang daw sa funds. kinuha niya sa bag ko na tinimingan niya na wala ako or may ginagawa para kunin yung pandora box na may singsing sa bag ko. 3. sinamahan niya ako mag enroll sa school ko. nagkaron ng malfunction yung elev kaya sinara muna. tapos sabi ng guard na nandon “sorry po sir, sira eh” sabi niya “ah, sira? bulok pala kayo eh” (tinatamad siya mag stairs, 2nd floor lang naman ang accounting) dami pang iba, pero ito mga di ko malilimutan. 😆


SuspectRemarkable539

Laptrip sayo 1st date pa lang umay na redflag sinagot mo pa rin siya hahahaga di ako sa lalake natawa sayo hahaha parehas lang kayong cringe in the end


mikhainacortes

masisisi mo ba ako if I was being manipulated all throughout the relationship? at least nga narealize ko rin e at nakatakas na dun. plus he was abusive. mahirap kumawala.


ringooo_o

Kadiri siya


mikhainacortes

legit! buong relasyon namin buhat ko lahat ng gastusin at mga luhong gusto niya, kasi di na siya suportado ng parents niya. medyo nadisappoint sa kanya kasi bulakbol at ayaw pumasok ng school. ayun, nung nagkatrabaho sa pogo yumabang. hindi rin niya ako iniinclude sa mga plano niya since nagkapera siya. hiniwalayan ko na lang, sakit sa ulo tsaka walang plano sa buhay. mayabang pa. hahaha!


Character-Crow9224

taena pinak nakakahiya is ginagamit n'ya account ko minsan para mag post ng posts about supporting bbm puta. tapos dati, mahilig kase ako mag share ng posts tas nag cocomment s'ya na bbm for the win daw. tangina nakakahiya s'ya. tapos kapag may nag comment or reply sa comment n'ya, aawayin n'ya and so on. maglalapag ng facts kuno haahha, tas nagkasagutan sila ng isa kong friend. nasa tama friend ko pero s'ya ang nasa mali, kinampihan ko friend ko. nabasa n'ya convo namin nung binuksan n'ya account ko, and nagalit s'ya sa akin kasi bakit daw kinakampihan ko yung iba at di daw s'ya na bf ko kampihan ko???? HAHAAHHAHA dami n'yang alam. tapos nung naghiwalay na kami ng cheater na 'to, kung sino sino chinat n'yang mga old classmates NA HINDI KO CLOSE and also my friends na gumawa ng gc para makapag usap kami. like ewww!! nakakahiya kang putangina ka. napaka sad boi, and marami pa s'yang ginawaang nakakahiyaa!!


EgredBrowNa

Finals week ko and magkaaway kami ng ex ko noon dahil gusto nyang iswap yung luma kong cellphone na iniregalo sa akin ng papa ko from abroad into a supposedly better na gaming phone. Ayaw ko kasi gift yun sa akin yun at ginagamit ko pa yun pero dahil wala syang maayos na cellphone na pang ML, nagdowngrade ako at ibinigay ko sa kanya yung cellphone ko. Habang nag-aaral ako, bigla na lang syang tumawag sa akin. Gusto nyang makipagkita sa Cubao kasi naiswap na nya yung PHONE KO sa Cubao and wala na syang pamasahe pauwi ng Rizal. Kinita ko sya kahit bwiset na bwiset ako and sya pa tong may audacity na mag-ayang magmotel na ako rin naman magbabayad.


SuspectRemarkable539

Lmao tapos natuloy pa rin motel nyo at ikaw nagbayad? Laptrip sayo hahahahaha


EgredBrowNa

Hindi hahahaha sobra sobra akong nabadtrip sa kanya


slut4strawberry

nung nasa messaging phase palang kami (wala pang umaamin samin and friend palang tingin ko sa kanya) i began avoiding him bigla kasi may narinig ako na siya daw yung nagkalat ng rumor na nagmomol daw kami ng isang guy (kaclose ko lang na tropa). 2 days later, nagmessage siya sakin na namatayan siya ng bff niya sa province niya and he really needed support etc etc so naawa ako and we started talking (grade 10 palang ako neto so gullible ako LMAO). nung naging kami na, throughout our relationship, iniiyakan niya talaga tuwing naalala niya bestie niya. ginigitara pa niya fav song ng bff niya tas hahagulgol w real tears cos miss na daw niya. fast forward to 2 years later, nagbreak kami. and 3 years later, we reconnected, nagkamustahan lang, tas nagsorry siya kasi HE LIED THAT HIS FRIEND DIED???? GRABE KASI THROUGHOUT OUR RELATIONSHIP ANG GALING NIYA UMARTE KALOKA 😭 sabi niya he needed to get my attention kasi di ko na raw siya pinapansin so he lied abt that 😭 also he would send himself anonymous hate on curiouscat, and would also send me hate about himself sa curiouscat ko for the drama and one time nahuli ko kasi nakalimutan niya mag anon one time HAHAHAHAHAHAHA


SuspectRemarkable539

Wtf


ringooo_o

KAPAL NG MUKHA HAHAHAHAHAHA


noturbae_xiaxia

eto manliligaw ko lang toh ah,pumunta kami sa kaibigan nya para makipag-inuman pero di naman kami nagpakalasing tapos nung naglalakad na kami papuntang sakayan tinatanong ako kelan ko daw sya sasagutin edi sabi ko "bakit kaba nagmamadali?maghintay ka" tapos nagalit sya saken kase ang tagal naman daw eh mag-1 week palang syang nanliligaw saken nun hahahaha eh nainis ako sabi ko "tumigil ka nalang sa panliligaw mo,masyado kang atat dun ka sa easy to get kung gusto mo" tas naglakad ako ng mabilis,aba biglang nagwala sa daan mga beh may pasigaw pang nalalaan tapos gusto magpa-sagasa sa mga sasakyan edi hinayaan ko lang sya eh yung mga driver nagagalit sa kanya jusko no choice kung hindi patahimikin ang baliw,so nung pasakay na ko ng tricy nangungulit na naman gusto sumama sakin eh syempre di ako pumayag ayun habang umaandar yung tricy humahabol sya juskoooo sobrang hiyang-hiya na ko nun edi no choice na naman pinasakay ko na sya pero pagbaba ko pinahatid ko sa driver pabalik sa sakayan aynako mamatay-matay na ko sa hiya nung gabing yun


ditch_19

Yung kumaldag siya. Di kasi bagay, My God! Hahahaa


Brilliant-Bid-7940

Double dipping her calamari. 😑


Awkward_Suit6611

Nasa mall kami kasama mom niya and nag walk out siya nung hindi pumayag mom niya na bilhin yung collectible na gusto niya HAHAHAHAHA we were of legal age na that time ha :))


SuspectRemarkable539

Fr? Lmao


Thick_Tip_7096

That's embarrassing lol


queenofchores

1. Binilhan niya ko ng kusang loob ng supplement for my PCOS dahil gusto daw niya ko gumaling medyo pricey yun tas nung paubos ko na, iniinsist niya na bayaran ko raw. 2. Na discover ko nung nag break kami na may ibang account siya sa ig iba rin pangalan niya dun tas dun niya finofollow lahat ng babae na trip niya.


Thick_Tip_7096

DUGYOT na lalaki


CrispyPata0411

Bobong lalaki lmao


niceforwhatdoses

Sabi ko crush ko si Jeremy Lin, nag comment at nag message siya sa page niya ng kung anu ano using my account. Sabi ko maganda iyong girlfriend nang jumojowa sa akin noong high school na naging friend ko naman na, nag comment siya doon sa mga profile photos ng kung anu ano din using my account.


FairBroccoli6424

Hahahahaha kaloka ang Tanga tanga hahahah


[deleted]

[удалено]


Thick_Tip_7096

Pati ba naman yan pag seselosan amp


[deleted]

[удалено]


Thick_Tip_7096

Good decision na nakipag break ka jan masyadong baliw sayo kasi.


CrispyPata0411

you won today 😭


Cennio

Pinaalam niya sa buong school na pinapasukan namin na gusto niya si Justine Bieber 🤷🏻‍♂️


santinothanksbro

An ex suddenly sent a VEEERY long sweet message to a girl friend/kapit bahay/(now former) school mate of mine at sinabi niya na ba't daw lagi kaming magkasama, and even said na ang landi raw ni girl at dapat layuan na ako, wag kausapin, potato potato. All that while my ex and a (now former) tropa of mine both posted a story of them being at a Starbucks somewhere in Ayala - wala kasi akong pang-SB that time.


JollyC3WithYumburger

Another entry, G na g sya makipag FFM threesome. Tas nung nakahanap kami ng potential unicorn, di sya type ng babae at ako lang ineentertain. Tas nagalit bat daw mas flirty yung girl sa akin HAHAHAHAHAHAHA


SuspectRemarkable539

Sarap naman nyan sakin ok lang yan kahit ikaw lang entertein nya hahaha masarap mapanuod yan f to f tapos gumagalaw ako sa isa haha


Brilliant_Egg428

Yung ex kona ang nagcheat sa ibang guy tapos sya pa may lakas ng loob na siraan ako sa ibang tao. Ginawan ako ng kwento na sinasaktan ko daw sya at itinatali sa bed kapag daw ayaw nya magpagalaw. Dati akong police at ako lang nagbigay ng starting capital sa business pero ang sinasabi sa mga friends nya na wala daw ako kapera pera sya daw bumubuhay sakin. And then nung nagkagf na ako after 1 year ng break up namin, pinapalabas naman nya na ako daw ang nagcheat, yun daw gf ko ngayon ang third party namin.


Thick_Tip_7096

Tsngina nyan ah bat dimo kinasuhan sir? Kung ako sayo pinaputokan kona ulo ng kerengkeng nayan!


Radiant-Argument5193

Oh, that we argued many times tapos normal nalang sa kanya magwala. One time sa campus cr, nagwala sya nilublob yung ulo sa bowl ng public cr. Potaenaaaaa until now pag naaalala namin ng mga kaibigan ko kinikilabutan kami. Another one is may practice kami ng classmates ko tapos pumunta sya sa place (IT ako, Educ sya), so hindi kami magkasama lagi. Biglang naglupasay sa lupa, andun pa yung pamilya nung mga kaklase ko. Normal na sa kanya yun. OJT ko sa bank, nag away kami. Nagpunta sya sa labas ng bank, nung di ako lumabas nahiga sya sa gitna ng kalsada!! Madami pa akong kwento pero buti nalang nakawala ako sa kanya. There were times kapag magkaaway kami tapos nasa kanila ako, uuwi ako kahit gabi pero pipigilan nya ko may hawak syang kutsilyo magpapakamatay daw sya...


SuspectRemarkable539

Scary thing here educ sya ☠️ Natatakot ako sa mga na magiging studyante nya


SuspectRemarkable539

Naglublob sa bowl ng cr lmao tapos hinahalikan mo siya that time since kayooo? HAHAHA. Yuckkkkk


Thick_Tip_7096

Jusko Psychopath ata yan😭😭


Sushiloops

HAHAHHAHAHAA WTF EWWWWW😂😂😂


Relative-Candle-6648

What the actual fuck... good for u na nakawala ka na


AWildScorpioAppeared

Di ko ex pero naka talking stage ko. Nung tumawid kami ng pedestrian lane, inakay ko siya patawid ng kalsada tapos ako nasa side na makasalubong yung sasakyan. I was holding his elbow and shoulder para lang makatawid. Baliktad ata e. Haha


Outrageouscase-

Hindi ko ex pero naka talking stage ko. He borrowed 15k saakin pang bayad niya ng utang kasi nakiusap siya na pahiramin ko muna at sinisingil na talaga siya that time nung inutangan niya. ‘Di ko nireplyan and sinabi ko na walang pag cash inan ng pera kasi walang laman yung gcash ko. After a while, sabi niya pupuntahan niya ako saamin para iabot ko nalang sa kaniya yung pera 🥲


Outrageouscase-

Before pa siya umutang ng 15k, may mga utang pa siya saakin and until now may balance pa siya na 3.6k pero naka blocked na ako sa lahat ng socmed niya lol


CrispyPata0411

💀


chikinitoh

Lolz. Magic!


Outrageouscase-

May mga mas malala pa diyan actually


happypomelo1

Yung madami daw sya natututunan sa dark themes and psychological genre manga and anime....... and im like....??? For sure may mapupulot ka dun, but i dont think that you should be doing all that irl-- Eto pa, gusto maging main character energy and hero complex. Always wanna save the day kasi ganun binabasa at pinapanood niya sa anime.


Thick_Tip_7096

Bandot naman nyan teh


CrispyPata0411

Kadiri talaga mga feeling main character 🥴 kala nila sakanila umiikot ang mundo


happypomelo1

Hahahhahah i had a guy courting me once, he tried to help me do a school project for arki college and ended up ruining it just because he wanted to be the one with me and be the one to save my day.... well, surprise suprise! I SAVED MY OWN BUTT kasi i did another thing of what he was supposed to do coz i didnt trust him. Even when that entailed na mas pagod and puyat ako. Ugh. Skl.


PowerfulDress3374

Edgy ah HAHAHA


Mission_Proof_8871

Nagwawala in public, binato yung mga paperbags na dala namin dahil di kami makasakay ng taxi at super init nung time na yon kaloka nung nakasakay na kami chill na sya HAHAHAHAHHA BUANG


ringooo_o

Tantrums ☠️☠️☠️


Mission_Proof_8871

Imagine doing this as an adult, 2nd hand embarrassment na lang talaga. Not just once, but every time na mainit sa labas ganyan sya :(


Thick_Tip_7096

Parang walang nangyari HAHAHAHA


dynamite1208

Ex na at the time. Kapitbahay ko lang. Nabubwisit ako lagi ako binabati kahit nakaharap asawa nya. Kinuha pa ako 18 roses sa debut nya at ninong sa anak nila. Somebody doesnt know how to respect boundaries


Informal-Estate6750

kumakain kame ng noodles and then pagtawa nya tumalsik sakin lahat ng nasa bunganga nya😭😭😭


Thick_Tip_7096

Whoi HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAU


Informal-Estate6750

Tumawa pa kamo


Thick_Tip_7096

Dapat uminom ka ng tubig tapos binuga mo sakanya para fair


justwallflowerthings

Ininvite sarili nya sa bahay namin 😭 "Dyan na lang kaya ako matulog?" "Dyan na lang tayo."


SuspectRemarkable539

Gusto ka lang makantot nyan kaya ganyan hahagaha


justwallflowerthings

Exactly. One of the reasons I broke up with him. Lagi na lang kantot nasa isip.


SuspectRemarkable539

Hahaha sabi ko na ee. Lalake things haha. Baka naman kase ginagalingan mo? Haha


lil-pdiddy

Nahihiya nga akong kumain sa bahay ng gf ko. Saan po kayo kumukuha nang lakas nang loob at kapal nang mukha? 😭


SuspectRemarkable539

Lalake things di mo na gets ba? Gusto lang kumantot kaya gusto matulog sa kanila hahaha


justwallflowerthings

Ewan ko nga din sa kanya. Nakakaines looking back. Kahit sabi ako nang sabi na respect my boundaries, mapilit parin.


CrispyPata0411

San kaya nila nahuhugot yang kapal ng mukha nila 😭


justwallflowerthings

Sa kapal din siguro ng ego nila 😭😭😭


Sea_Measurement_276

Sinabunutan and sinampal sampal ako in public. Hehe


Thick_Tip_7096

May equal gender dapat hinampas mo ng Bute sa ulo


FvCkliF3sh-t

grabi


CrispyPata0411

😠


Sea_Measurement_276

Yes OP. Ako pa nahiya kasi pinagtitinginan na kami haha.


You-Know-Who1231

Di ko ex pero dinate ko, lumabas kami tapos since sya nasa unahan at nagkatinginan kami akala ko sya na magbabayad sa jeep (misunderstanding ko, I know) upon pagbaba di pala ako bayad and umalis na yung jeep. Tapos inasar pa ako nag 123 daw ako like WTF.


AssistCultural3915

1. Uutang siya sa lending agency na kakilala ng mama ko para may pambili siya ng bagong release na Samsung cellphone (around 2018 eto). Nahiya ako sa mama ko pero sinabi ko pa din. Ahaha nagulat nanay ko e. 2. ‘Pag nasa store kami ng mga shoes/damit na medyo pricey, nilalakasan nya boses nya sasabihin nya “Bilhin ko na ‘to? Bilhin mo na din yan, isa-swipe naman natin” - like damn, gusto mo talaga utang 3. Nung bago palang kami pinag-mayabang nya na may bahay na daw siya pero dipa tapos. Tapos ung design daw ng bahay nya ung may parang artificial falls sa gitna. Pero nung narinig rinig ko, wala pa pala nakatayong structure nung bahay ahahaha sabi pa nya, ung kwarto nya de-aircon daw. Pero nung nag-visit ako sa bahay nila nun, wala naman aircon.


Spirited-Loquat-6151

Nahihiya akong basahin ito hahahha. Ang cringe shoot.


Initial-Voice3437

Magdate daw kami pero utang niya muna sa akin 😭😭


CrispyPata0411

The usual lines of "babawi ako" 😭


Icy-Neighborhood7963

Wala , ako kasi yung ikina hihiya niya :( proud pa naman ako sa kanya pero ako parang tinatago niya. char hahaha


Thick_Tip_7096

Don't settle for a guy/girl like them


Icy-Neighborhood7963

Thank you 😅😊


Ill-Policy6269

Kusang loob ako binigyan ng iPhone 11 pro max tapos binawi nung nag break kami kasi sinulsul ng friends ngee


Ill-Policy6269

sino kaya sa friends nya naka iphone 11 na haha


aliaeg_

ay nako sobrang dami HAHAHAHAHHAHA


[deleted]

[удалено]


CrispyPata0411

Sakit talaga sa puso ang pagiging cheater


Mediocre_Draw8618

feel nyo ba ung secondhand embarassment habang nagbabasa ng mga experiences 😂🥴


Spirited-Loquat-6151

SOBRA HAHAHAHAHA


melodramaticpug

Not an ex but a failed talking stage. Ihahatid nya daw ako mula Makati hanggang Batangas (commute kami). Sundo ako nina papa sa Batangas terminal. Pagdating namin sa Batangas, kulang daw sya ng pamasahe pauwi. I was forced to borrow money from my papa. He (ex talking stage) even suggested I let him sleep over samin. That was the first time he met the parents. It was also the last time 🤮


[deleted]

[удалено]


CrispyPata0411

Talking stage tapos makikiovernight na?! Tapos Ikaw pa mag proprovide ng accomodation or pamasahe pauwi HAHAHAHAHA MODUS


Outrageous-Block5040

Tuwing nagtataxi kami dati dahil di siya familiar sa daan pag-uwi lagi niya inaaway, binabastos at sinisigawan mga driver nung huli naman ay galing pasay papunta sa sta mesa buti kalmado lang yong driver sinabihan lang siya “hindi mo alam yong daan dyan?” Natameme lang sya. Sinigaw sigawan ako kasi bumili ako pasalubong sa mga kapatid ko gamit pera ko.


Thick_Tip_7096

Bantot ng ex mo sarap ingubngub sa pader


Outrageous-Block5040

Haha wlaa pa yan sa lahat ng ginawa nya sa mga taon na yon😭


Thick_Tip_7096

Parang ML lang sa Wattpad eh HAHAHAHA


OpalAura08

Nakaka cheap talaga mga palasigaw


Miserable-Eagle-9237

Nagpasama siya sa akin kasi pupuntahan niya ang bagong nililigawan niya. Like... eh? hahahahah


Finding-InnerPeace5

Like what????👀


Miserable-Eagle-9237

Like i kennat hahahaha


Responsible-Suit2588

He offered me to stay at his place pero di man lang nagoffer ng food(he said na pag pumunta Ako there, he's gonna make me a queen lol) then nong pauwi Naman he don't have money left so pinagas ko sya kahit Wala na Akong baon then boom biglang ended things, then after a week may iba na Pala sya. Like iba na ulit ginagamit na girls para magfunds sakanya lol. Fuck u "C"


Chochobunz

Pumunta sa amin (shs pa ko noon saka 1st year college siya) akala ko nabisita lang, yun pala nagpapasagot ng homework at nagpapagawa ng floor plans niya :)


PabloPicatsoo

Mag barkada kami tapos one time, nasa inuman kami. Tumawag daddy niya sa kanya kasi naputulan sila kuryente, pero yung ex ko pa yung galit na galit kasi “inistorbo” pa siya sa inuman. E siya naman talaga nakatoka magbayad ng kuryente nila 🥴 Sobrang nagaalala ako nun sa family niya so sabi ko uwi na siya. Ayaw niya daw and sa condo ko daw siya matutulog 🥴


fallingstar_

he ordered me a cake for my birthday. plot twist: it's Cash on Delivery 🤣😭🙃


SuspectRemarkable539

Gago HAHAGA


fallingstar_

true. tsk tsk. 🤣


CrispyPata0411

Huuuuuy ang gago naman niyan. I might get doxxed here but same experience. Sabi sakin ng ex ko, mag gift daw kami ng cake sa isa't isa on our birthdays tapos siya binigyan ko (being true to my word) tapos nung birthday ko, ako naman sinurprise niya kasi wala siyang dalang cake for me. Hindi pa naman ako nagpabili ng cake kasi akala ko may dala siya 😭 Wala tuloy ako pang happy birthday song huhuhu I'm so sad non


PabloPicatsoo

Sabi niya ihahatid niya daw ako sa bahay para safe ako makauwi. Syempre kilig na kilig naman ako haha. Pero pag dating sa bahay, nanghihingi ng pamasahe pabalik hahahahaha 🙃


CrispyPata0411

SCAMMER HAHAHAHAHHA


nongshimnoodles2

HAHAHAHAHAHHAHAAHAHAHA YIKES


Kyrria_

Nagflex siya na may car siya at the age of 19 tapos sinasabi nyang pinapahiram niya lang daw sa parents nya. Tapos nag iba na naman yung kwento - biglang “hati” daw sila ng mom nya sa pagbili nung car. When he tried to win me back, he planned to go samin gamit yung “car niya” then biglang di pinayagan ng parents. 🫣


EchoingWhizper

Senior (Grade 10) na kami nun. Usually, may prom ang Grade 9 at Grade 10 yearly and each grade level are tasked to perform a cotillion as an opening sa prom night namin. Now, may jowa ako kaso nasa kabilang section siya. May pagka-possessive siya and malakas magselos. Kinausap niya ako na gusto niya raw ako maging partner, same sentiment naman ako. Pareho malakas kapit namin sa teacher namin na magtuturo ng cotillion, I did my best to persuade our teacher na i-allow pero hindi raw talaga pwede, ang ending dun ako na-partner sa close friend ko. After days of practicing, nag-kwento sa akin iyong close friend ko na yun na kapag nagkakasalubong daw sila ng jowa ko sa hallway or canteen, tinatarayan siya. And then, D-Day, before daw mag-start ang performance, sinabihan daw siya na wag niya raw ako aagawin or lalandiin. I don’t if this is considered cringe pero sobrang nahiya ako sa pinaggagawa niya nun.


Icy_Objective_8588

itabi niyo, this thread was made for me wahshahahahaha - FORCED me to wear something else during my birthday celeb when i planned my outfit weeks ahead. it was a couple tshirt na sobrang corny. when we broke up, my friend confessed how much they cringed when they saw us sksksksks - responded "mahal ko kayo pareho" when i was begging him to let me go kasi he's still hung up with his ex. kingina, sa telserye ko lang naririnig 'yon. - bragged endlessly and aggressively to my friends about his wealth then brought out an obviously fake chanel perfume as a birthday present for me. even forced me to open the gifts in front of my friends LOL. - on numerous occasions, i caught him cheating on me by flirting with his colleagues only to be rejected every. single. time. one girl even messaged me begging me to tell my ex na tigilan na siya. sorry pi hahahahahha - bodyshaming me on social media na parang tropa lang kami. hell, not even my friends would leave mean comments about my appearance under my posts. but my ex did HAHAHAHA - being outraged that my guy friend felt upset that my ex was bullying me on socmed and confronted my guy friend USING MY ACCOUNT AND WITHOUT MY PERMISSION??? - mansplaining acad stuff to my friends with the same program as his only to find out that the things he was teaching were all wrong 💀 - all the grammatical errors i had to ignore for two years kasi nakikipag-break siya kapag cino-correct ko siya 🥳 plot twist: all these were done by the same ex ^___^


CrispyPata0411

Kadiri siya. Ano ba yan 😭


Transpinay08

"Sinupresa" ako ng tickets sa Star City. Plot twist, ako nagbayad. Di ako nakapunta kasi may pasok ako. Surprise nga


ControlSyz

This is why I hate surprises. Pag fail sa planning, lahat windang tapos sasama loob nung nagplan.


Transpinay08

Gusto nya lang ata ng libreng Star City from me. Pinerahan lang din naman ako nun


Hopeful-Ad180

Yung inutusan ako ng Ex ko na yayain yung pinsan niya namakipag 🤫 saknya habang nanonood ako.


SuspectRemarkable539

And what happen ginawa mo ba or tinry man lang?


Hopeful-Ad180

To please my ex partner kinausap ko yung pinsan niya BUT sinabi ko yung plan ng EX ko para may idea sya and after that sumama sya sa room guest what happen pinarangka sya nung pinsan niya na isusumbong daw sa parents niya and the end walang ngyari saknila kaso ngaway kami nalaman niya na sinabi ko.


SuspectRemarkable539

Solid ka rin aa hahaha sarap naman nyan go ka sa threesome hahaha. Obvious na di talaga papayag kinda surprising na G ka sa proposal ng ex mo


xburner88

WTAF


CrispyPata0411

😬 you won today


Training_Culture3302

Omg😦


Ok_Razzmatazz9560

Whattttt 😳😳😳😳😳😳


discernmentradar

Nagpagas ng 60 pesos sa sasakyan. 😭 Hiyang hiya ako. Ako rin nagturo sa kanya magdrive.


horangahe8214

I would prolly just laugh it off. Experience it often during drives with my cousin hahahaha good times


BananaBoyPh

Sinabi niyang madali lang akong palitan. Sinabi niya ‘yun habang kami pa.


Emergency_Pattern_16

Same gurl hahaha wala lang naman daw ako sa knya


[deleted]

Her overall interaction sa org namin haha. Everyone doesn't like her but they just tolerate. It's her fault din naman since they caught her cheating on me and they snitched sa akin since they know I am a good dude.


JollyC3WithYumburger

Inaway ako sa gitna ng mall. With matching mura and sigaw pa. Nagrereddit din yun kaya alam ko mababasa nya to. Tangina mo A, sobrang damulag mo!


HostHealthy5697

Nasa kanila kami with his group of friends. Itong barkada nila parang laging may niloloko sila na ''pangit'' tho hindi naman. Shy type lang. Tahimik. Siya lang ang single sa barkada nila ng time na yun tapos yung ex ko, nagbiro na makakakita rin daw siya ng babaeng magmamahal sa kaniya at tatanggapin siya ganon itsura niya tapos sabay tawa sila. Pero sa kanilang lahat, ex ko pinakapangit. Like legit na pangit kung beauty standard ng society ang pag-uusapan. Pangit nanlalait sa guwapo. Cringe. 🫠


ControlSyz

Sorry ah bat pumapatol kayo sa mga ganyang lalaki 😭 walang redeeming factor sizz


HostHealthy5697

Matalino siya and mabait. At least nong makilala ko siya at no'ng naging kami. Nirefer ko sa boss ko kasi may skills talaga siya. Opportunity lang ang kulang. No'ng tinanggap at nakapagtrabaho sa corporate world, bumahag ang buntot at naging mayabang 😆


mymindsamess

Sasama daw sya sa fam outing namin sagot nya lahat ng sarili nyang expenses. Turns out wala palang pera sakto lang sa pag punta nya sa bahay namin ako pa sumagot hanggang pamasahe nya pauwi. nakakahiya. Lakas pa nya non magsabi na mag-iipon sya 🤨 (college days)


Exact_Appearance_450

Nanood kame ng sine tapos gusto ko kasi ng Chocolate Sundae. Edi kaen kaen akong sundae sa sinehan tpos nag insist syang subuan ako then sinadya niang malagyan ng sundae cheeks ko edi pinunasan ko agad. Then sabe nya "Bakit mo pinunasan sinadya ko Yun para punasan ka." Punyeta, nag break din kme after 2 months.


kamapuaaa

Ilang taon kayo nito?


Exact_Appearance_450

I'm 25 that time tpos sya 32 na Huhuhu kaloka


Muted-Purple-3679

Pinatuloy ko sa bahay namin ng 3 weeks, may work siya (wfh na VA), ako wala (student) tapos wala man lang siyang ambag sa pagkain sa bahay, lumalabas lang ng kwarto pag kakain na ... all while cheating on me with 2 other women 😒


thebroketraveler93

I don’t know if he only did this to comfort or reassure me, pero pinoint out nya yung mga di nya gusto sa itsura ng friend nya na pinagseselosan ko (in short nilait nya). Years later, sila na. 🤡


Miserable-Eagle-9237

Usually kapag ganito raw na napo-point out ang gusto at di gusto sa itsura ng tao. Gusto talaga nila yung tao kasi ibigsabihin timititigan or naka-focus sila sa tao na yon. 🤷🏻‍♀️


thebroketraveler93

That’s just me trying to be a little “nicer” lang pero technically nilait nya lang kasi talaga. I even called him out (kahit very accurate naman ang descriptions nya lol). Kung alam ko lang na 🐍 pala si girlie, sana inenjoy ko nalang yung convo 🤡


Miserable-Eagle-9237

Hahaha it's nice na na-call out mo siya that time pero I'm so happy rin na ex mo na siya hahaha


[deleted]

[удалено]


CrispyPata0411

They make everything all about them as if sa kanila umiikot ang mundo. So cringe.


Pretty_Biatch129

Minessage nya conductor/senior ng choir namin "Dahil sa inyo may mamamat@y" 💀🥴


akihabara74

I'm here to enjoy the comment section 😂


CrispyPata0411

Here you go 🍿


Sleeping_Forest3109

Pag nag shoshopping kami ng ex ko dati at nililibre ko sya ng damit, after nyang mag fit lalabas bigla sa dressing room at mag sasa sayaw sayaw ng kung ano anong steppings at hand gestures ta's naka emoji pa yong mukha sa sobramg tuwa. Ayon bigla akong tatalikod kahit maraming taong nakapila sa isip isip ko, di ko sya kakilala😂 Sobrang nakakahiya lang 🤣🤣🤣


FairBroccoli6424

HAHAHAHAHAHAHA tapos napapawisan yung damit tapos di naman bibilhin💀


xbreaker16

ang cute niyo (nagrelapse ako para sa inyo)


[deleted]

[https://media.tenor.com/L9jKRm1caXoAAAAM/happy-dance-spider-man.gif](https://media.tenor.com/L9jKRm1caXoAAAAM/happy-dance-spider-man.gif)


Sleeping_Forest3109

HAHAHAHAHAHA


krshssc

Yung ex ko nung high school dinibdiban yung friend ko na lalaki dahil sa selos. Like yung tinulak niya sa wall while hawak hawak yung damit ng friend ko at may binubulong yung ex ko sa kanya. Di ko narinig kasi may kasabwat yung ex ko na bigla akong hinarang. Nakakahiya siya kasi daming tao nakakita and naawa ako dun sa friend ko. Wala naman kamalay malay biglang inabangan siya nung ex kong may saltik.


Naive-Ad2847

Bakit Hindi mo mn lng inawat ex mo that time? At tsaka bakit nmn sya magseselos sa friend na Yun ano bang Meron sa inyo?


krshssc

I did try awatin kaso nga yung kasabwat niya hinarang ako. Di ako makalapit kasi pinipigilan ako and nagawa ko lang is sumigaw ng tama na. Nung una wala akong alam sa nangyayari and yung kasabwat niya sinusundan ako hanggang sa locker. Hangga’t sa hinanap ko yung bf ko at nung nakita ko siya nakadibdib na siya dun sa kaibigan ko. And yung friend ko na yun… di naman kami flirty or nothing’s going on between us. Friend ko na siya even before pa maging kami ng jowa ko. Sadyang nagselos lang siya since pinupuntahan ako sa classroom nung friend ko tas puro kami kwentuhan.


Turbulent-Bite-8838

sabi nya nasa bahay lang sya pero kasama pala nya yung girl bestfriend nya


Apprehensive-Bed9561

Nakipag break sakin, his loss 💅🏻💅🏻💅🏻


Zipzaapp

Nag eeskandalo sa public place


soupandpastas

When we were still together, dinadala niya friends niya para maginuman sa bahay ng parents ko(we live together) even though di nakakatulog ng maayos parents ko dahil sa ingay nila. He also uses our cars for his personal errands(gala with friends and cheating on me with other girls) and hindi niya lang man pinapa gas. He refuses to do the bare minimum kasi he wanted to enjoy life kahit magasawa na kami. My mistake.


SuspectRemarkable539

Tangina ka naman nagdala ka pa ng palamunin sa bahay ng parents mo haahaha


[deleted]

[удалено]


SuspectRemarkable539

Tangina mo naman pumayag ka maghintay ng 3hours sa labas ng bahay nila? Ng hindi ka man lang pinapasok sa loob para maghintay ? HAHAHA kung ako yan 30mins pa lang inuwian ko na yan or umalis na ko hahaha pass maging tanga


[deleted]

[удалено]


SuspectRemarkable539

Kung foods yung nilibre mo sa kanya gooods lang yan. Pero yung pinaghintay kanya ng 3hours ng di ka man lang pinapasok sa bahay hahaha umay yun. Sana pre nakantot mo man lang siya .


here-afterdark

Utang paulit-ulit. Ako naman si tanga nagpautang rin paulit-ulit. 250k wala pang nababayaran until now. Break na since 2022 HAHAHAHAHAHAHA On second thought, siya pala dapat nagcomment dito kasi mas nakakahiya ako sa pagpapautang GRR


SuspectRemarkable539

Sarap naman nyan may babae ka na may bangko ka pa? San ka pa hahahaha


SheASloth

Susmaryosep pangbarangay kabuhayan showcase na ah!


here-afterdark

Accumulated for the last 2 years of the relationship. 🥲


SheASloth

Oh dear, I hope you are in a better mindspace and financial state now.


here-afterdark

Financial state, okay naman ako. Pero if magbabayad sya mas okay siguro hahahaha CHZ PERO BLOCKED NA AKO SOO


CrispyPata0411

🤣


426763

Told me she was attracted to me. Like, ew girl, taasan mo naman standards mo.


PoisonIvy888888

Binigyan nya ko gift nung christmas (2022) -adidas black nmd en oversize shirt. (Hindi ko naman sya inobliga na bigyan ako ng gift kc nga independent woman ako. Ok lang saken kahit walang gifts, hindi issue to saken. Appreciated ko un effort nya to buy me gifts kahit di ko to type.) pinapabayaran saken nung nakipagbreak ako. 🫣


thebroketraveler93

OH MYY! Very close sa experience ko sa ex ko nung college days. HAHAHA. Kapag may chance, sinasabayan nya ko umuwi kahit out of the way sa bahay nya pero take turns naman kami sa pagbayad ng pamasahe. Nung nag-away kami, binilang nya *yung days na naging kami* times *pamasahe sa jeep* tapos pinapabayaran sakin 😳😳😳


CrispyPata0411

NATAWA AKO SA PLOT TWIST


HelterSkltr_

Natutulog lang sa opisina kasi malakas kapit. Haha huhu! 😭


ConfusedLion5290

Flineflex na kaya daw nyang ubusin ang isang case ng red horse 500 na sya lang....bitch was super proud while all I see is a fckin hoe


Naive-Ad2847

Pag pinupuntahan Ako laging may kasamang tropa🥴wla tuloy kaming moments na kaming dalawa lng. Masyado syang duwag at torpe.


blairwaldorfscheme

Kumukuha ng pera sa business nila tapos kinukuha din yung food don sa business nila kasi pang date daw at para sakin daw yung food. Walang nakarating sakin ni isa 🤣🤣🤣 dinala pala sa mga tropa nyang nag aadik HAHAHA


libogadventurous

🤣🤣🤣🤣


hobacheeks

before we became official he used to brag about how loyal he was and if magbbreak daw kami, it would be bc of me and not him. he then proceeded to have an emotional affair with his ex after. ahahahahahaha i feel the second hand embarrassment while typing this. yabang amp


Ginger_bread_mo

Almost same case. My ex once said na nakarma yung ex nya na nagcheat sakanya (namatay yung lola and nabenta yung mga lupa nila) and the same thing will happen to me if I cheated on him. And he cheated on me! Now I’m wondering if he gets the same karma his ex had.