T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Naive-Ad2847

Tatlo lng uniform ko sa school 


InitialOk8616

Yung naka-gasera kami tuwing gabi tapos yung kapitbahay may kuryente.


stiofaa

nong may bukas na kanal sa tabi o harap ng bahay namin. makikita mo talaga yung daga, dumi, at tubig, na dumadaloy sa kanal. mas mahirap din kapag umulan tas bumaha edi ang baho ng labas ng bahay lol


cheesymissy

2 cousins ko na classmates ko din noong elementary meron silang tutor, same tutor nila actually and sabay din sila tinu-tutor tapos ako padaan-daan lang or minsan nakikiupo na rin kahit di ko alam if pwede ba or not eh hindi rin naman ako pinagsabihan. Hahahaha kaiyak


bwandowando

nung birthday ko nung HS, pina mister quickie ng tatay ko yung yung swelas ng basketball shoes ko, pero ang hinihingi ko sa kanya was a brand new pair of shoes. nung gumraduate ako nung college, ang gift sakin ng parents ko was a Nokia 3310 nung gumraduate yung kaklase ko, ang gift sa kanya was a brand new car


[deleted]

All of our needs were provided growing up, never kami nagutuman, and palaging may handa pag birthday namin..however, I only learned about my parents struggles while raising us nitong college na lang ako, my father told me this story habang nasa kotse kami papunta kay ate kasi susunduin namin sya galing hospital duty. Kwento ni papa sakin, they used to rent out VHS tapes para may pang gatas yung ate ko.


Healthy-Bee-88

I think my family was not entirely poor pero may kaya (naittawid ang buhay as middle class) nalaman ko na we were in the middle class kasi the high school I attended to changed every year level. I was on private school ng elementary then 1st year high school was a private school, then moved to a semi private and then moved to a public school. And my parents keep imposing to me that ang edukasyon ang susi ng tagumpay which I believe majority of middle class family believed and invest in.


Additional-Cress-505

✅ Never ako nag celebrate ng birthday ko. ✅ Minsan once a day lang kami makakain, minsan breakfast, lunch or dinner ✅ Hindi ako makabili pag recess ng meryenda ✅ Hindi makapasok sa school pag wala baon kasi walang pambayad ng pamasahe ✅ Nakikita ko minsan yung parents ko na umiiyak ng palihim dahil sa sitwasyon ng buhay namin


bwandowando

kamusta naman kayo ngayon? I hope nakaahon na kayo kahit kaunti and nakakakain na kayo ng 2-3x a day


Additional-Cress-505

Ito patuloy parin sa buhay. Kahit minsan wala, minsan meron. But still kicking parin.


bwandowando

Oks dre, medyo nakarelate lang kasi ako. Galingan natin


Additional-Cress-505

Mas gagalingan pa, pero salamat po. 🥺


Key-Negotiation2917

Pina mukha nung nanay ng classmate ko na mahirap kami. Maiksi na pants ko for me, pero binati pa talaga nung nanay ng classmate ko. Ang ikli na daw ng pantalon ko bumili daw ako ng bago, pangit daw tingnan. Wala kaming pambili nun. Buti nung graduation nakahiram ako ng maayos na pants. Ngayon okay naman buhay ko, mga anak niya na classmate ko mukhang okay naman sa pagiging tambay.


Additional-Cress-505

Same situation po nung high school 1 lang pants ko noon. 🥺


Key-Negotiation2917

I feel you. Noong highschool naman, lalo na nung 1st at second year puro hand me downs. Yung rubber shoes ko naagnas habang naglalakad, pag uwi ko wala nang swelas, yung bag ko puro pertible kasi daming books na pinapadala eh di kaya nung quality nung bag.


SpiritlessSoul

Grade 3 ako non when my mother sometimes goes and walk to our school to give me my lunch money na inutang lang nya. (Malayo ung school typically nagtatrike na.) One time pumunta siya na butas butas ang damit nya even sa may dibdib na nakikita na ang bra nya, kundi butas-butas, kupas kupas naman while yung ibang nanay maayos ang suot(private school). Typically mahihiya ang isang bata pag ganon itsura ng nanay nila pero ako naiintindihan ko that time ang aming kalagayan kaya hug pa din ako kay mama. Sad memories.


ugh_omfg

Wala akong sports or any after school activities. Kahit track and field na sapatos lang kelangan, di namin afford.


AldoZed

Nakikinood ng TV sa mga tita ko. Madalang makabili ng toys kasi pagkain ang mas priority.


[deleted]

Habang naglalakad naagnas yung rubber shoes ko, pagdating ko sa bahay ubos na swelas. Minana ko lang kasi yung sapatos. Tapos yung bag ko di pertible at saka madami pang sulsi.


JustViewingHere19

Renting tapos makalagpas lng 1day ung Mama ko, or nakalimutan mag-iwan pambayad. Nagbubunganga na ung naniningil sa labas. Haha Nag-uulam kami ng chichirya, sawsawan toyo na may kalamansi, tapos sabaw, gulay mostly (tangkay ng kangkong) lang solb na. Ung mga main rekado na sahog sa ulam pang adult lang. Madaming utang sa sari-sari store na nasa ibaba ng inuupahan namin. Hindi kami hinahayaan ni Mama na sumabay sa kung ano uso/trend. Kasi wala kami pambili kung ano uso. (May perks naman to nung lumaki na kami. Parang na-train kami na wag sumabay sa trend.) Butas butas damit namin medyo may mga grasa, tapos tinatawag kami ng mga kalaro namin batang grasa. (Mekaniko po Tatay ko, naging laruan namin mga tools nya, minsan tumutulong taga-hawak, taga-abot ng tools pag nasa ilalim ng jeep ang tatay. Hindi kami nakakahawak ng pera. Kapag nautusan lang na may bibilhin sa sari-sari store. Saka lang makakahawak ng barya. 7yrs old plng trained na mamalengke. Maglalakad papunta palengke, bawal magtrike kapag papunta pa lang. Kasi naka-budget ang pera para sa bilihin. Kapag kinulang pa pang trike pa-uwi, lakad mode tapos ung mga daliri purple na dahil sa mga plastic haha Palagi samin may pamanang gamit ung pinsan namin na solong anak. Damit, school supplies, sapatos, laruan etc. basura nya, treasure samin. memories!!! Haha


Unable-Beat-7716

Pumupunta kaming lahat magkakapatid kung saan man may birthday para makikain. Nag-uulam kami ng mixed asin+mantika sa mainit na kanin. Masarap din 'yung mantika +toyo combo😂 Yung chicken noodles namin may gulay at maraming sabaw (tubig). Way back sa province namin, kapag Sunday kasi may sabong. So ang mga sabungero may dalang mga motor. Binabantayan naming magkakapatid yung mga sasakyan nila from umaga hanggang hapon. Manghihingi ng piso-piso kung swertihin. First time ko kumain ng Jollibee noong nasa Maynila na kami Grade 6 ako. 🥰


SinfulSomeone

Need alambitinan yung kahoy na pinagpapakuan ng bubong namin kapag malakas ang ulan at hangin kasi liliparin.


Wandering_Pancita

Manghihingi ng asin, asukal, at kape sa kapitbahay (aunt), hihintayin pa ang papa ko na makauwi para may masaing na bigas at ulam na lulutuin. More than a year wala kaming kurente kasi naputulan tapos ang bill nun parang na sa 300 lang. I never had brand new things too, hand me down from my cousins na nakakaangat sa buhay or galing sa ukay-ukay. I remember yung sapatos ko halos hihiwalay na ang swelas and ang socks ko bumababa kasi sobrang luwang na. And I think ang pinaka indicator ng kahirapan ng childhood ko, I was still in Grade 1 but I'm helping my father already sa tindahan namin sa market, hindi pa ko magaling mag addition and magsubtract pero nagtitinda na ko. Those were the days, I never felt any resentment that I experienced those hardships because it helped me to be motivated in my studies. I am not rich but I can say I can buy myself already the the things that my parents cannot afford to buy when I was still a child. Most importantly, I can share a little amount to them every payday. Small wins in life, but it's still a win.


Chillaxlang123

Sakay kaming apat mga bata sa iisang motor papuntang school.


Chillaxlang123

Private school pa yun so kita talaga. Haha


ImaginationExtreme26

3 pesos lang baon year 2003-2008


RashPatch

yung favorites lang may bagong gamit. kahit na ako naman yung panganay ako yung puro hand me downs. "di natin afford anak" while I'm watching my siblings eat peach mango pie.


SignalShoddy9934

kapag may practice for school activities tapos noon, pumupunta sa bahay ng mga classmates ko talos napapatanong ako sa isip ko na bakit hindi ganun bahay namin? yun pala wala talaga kami sariling bahay, care taker lang kami ng isang commercial building :')


lackoflife_100

Wala kaming cable.


Naive-Ad2847

Hahahah relate. Dati akala ko pag may cable mayaman na


lackoflife_100

True. Makikinood pa sa kapitbahay tas magugulat ka bakit english yung cartoons nila hahaha


Stunning_Win4893

Wala ako nung bag na may gulong. Wala rin akong pencil case na may 2nd floor.


Galaxiaria

had the de-pindot phones


sum_tin_won

wala kaming kotse


Ordinary_Kick_4694

-Ang pangarap ko that time ay pumapak ng 1 sachet ng Milo which was 5 pesos. -Yung mga classmates ko may baon na zesto and cheesecake, akin 2 pcs ng Yahoo. -Makakatikim lang kami ng fried chicken na nabibili sa kanto tuwing sweldo.


wilzkid

Ako dati lima lang baon tapos lakad pa minsan pauwi. Sila benteng papel at maraming laruan.


ajb228

- Mayroon silang 24 Crayola, I have 8 at least - Mayroon silang portable console (back then PSP, GBA, NDS) na dinadala sa school, hanggang tingin lang ako - Fastfood dala sa lunch break, hanggang biscuit + Chuckie lang dala - Di afford ang Field Trip, hanggang pasyal lang sa mall


[deleted]

wala akong jordan 4 or reebok pump. haha.. 


Maczilla1998

When my mom did everything she could just to make my birthday special. Kahit simpleng handaan like pancit, coke, slice bread. Dun ko narealize na di pala kami mayaman. Pero happy naman ako ngayon hehe. Then it motivated me to work hard at hindi umasa sa "swerte". Ngayon nakakakain na sa mamahalin na resto without looking at the price of the food, unti unti ko na natutupad mga pangarap natin Ma!!!


Spirited-Loquat-6151

Ulam ko sabaw tubig.


LectureNeat5256

ako lage kawawa sa friend group ko lmao