T O P

  • By -

No-Judgment-607

Kupit.


hor26

Kupit din minsan. Hahahaha. Pero skl paano ako nagkakapera as laking mahirap. Elem - highschool - Nangangalakal. Nag-iikot sa lugar namin makakuha lang ng puwedeng ibenta tulad ng takip ng softdrinks na tansan pati yung plastic. Di ko sure if nabebenta pa din yun ngayon. - Illegal ata 'tong pangalawa. Hahaha. Taga-gawa ng projects ng mga kaibigan or classmates kong walang tiyaga sa mga handy crafts, drawing, etc. Tapos sila din yung mapepera. Minsan tagasulat din sa notebook nila. Lalo na kung malapit na ang pasahan ng notebook kay titser. - Nagbebenta ng sariling lutong kong yema at kung anu-anong pagkain sa mga classmates. - Taga-drawing ng mga project ng kaputbahay naming mga bata - nagpapa-ending. Haha College - Nagbebenta ng mga kung anu-anong snacks sa mga classmates. Lalo na kung oras ng klase ay hanggang 9pm. Mabenta mga cookies ko. Hahaha - Nagbebenta ng mga sapatos, sandals. Marami kasing factory sa amin. Pinipicturean ko yung mga sapatos or sandals. Kung anong ma-betan nila, saka ko tinatiyagang lakarin yung factory samin para bilhin yung sapatos. Kumbaga pre-order. Wag niyo po i-judge mga magulang ko. Mahirap lang talaga kami at as panganay, gusto kong may sarili akong pera para incase na may mga bayarin, field trips at workbooks ay may pangbayad ako na hindi humihingi sa mga magulang. Skl. Haha


_manisann_

(2) HAHHAH


Rigel17

Nangangaroling pag pasko 😁


MattsCradle_dot_com

True, with lata na may plastic as drum, tansan na nakatuhog sa alambre as tamburin.


No_Profit2547

Nagbebenta ako ng Pastillas na gawa ng kapitbahay! ☺️ Tapos gumagawa ako ng assignment / projects ng mga mayayaman kong kaklase na tamad, ang laki ng kita ko doon hahahahah.


mayolover13

May time na gumagawa ako ng accessories (yung gamit ko galing sa tita ko na mananahi, mga tira tirang beads at nylon) tapos binibili ng mga bata din samin tig dos 🀣 Naninigil din ako ng 5-10 pesos per utos 🀣


continua_

Pag summer break nagtitinda ng palamig sa tapat ng house namin (although commercial area yun). Pag sa school naman nagtitinda ako noon ng Milkita or Chupachups kasi hindi pa gaanong madali makahanap noon. Or sometimes anything na candy na uso noon. Lol


Neither-Garlic-6137

Ice, ice water tsaka ice candy.Β 


Interesting-Cycle803

Naglako ako ng fishball,kikiam,1 day old chicken nung elementary days ko and yung nakita ko dun is allowance ko for school the next day.☺️


ScatterFluff

Grade 2 ako nung naisipan kong magbenta ng bangkang papel. Yung Grade 2 sheets, naubos ko sa kakagawa nun. Siguro mga 5 lang yung bumili sa akin. Naka 5 pesos din ako that time. Napalo pa ako kasi na-discover yung mga bangkang papel sa basurahan (kasi nga wala nang bumil). Mga Grade 4, diyan na nagsimula na magpatanggal ng puting buhok nanay ko. Kada buhok, may ChocNut/Hany ako; hindi kasi ako sinanay sa pera noon.


IntelligentNobody202

Nagbebenta ako sa canteen. Canteener tawag. Bale di kami paid ng pera pero Wala ako baon tapos libre sopas kaya nagcanteener ako. Dati kasi mga bata pa umiikot para magbenta ng sopas ng canteen nga school. Tapos tagahugas din ako ng pinggan ng nga teachers. Grade 5 ako nun.


[deleted]

Gustong gusto ko nun mag canteener haha kaso taga hugas lang ng cups tag free soup na πŸ˜‚


curiousp0tat0o

Nagtitinda ako ng candies at stickers sa room πŸ˜…


Master_Alkane

Sweldo. Haha My mom used to make kutsinta, polvoron, mamon, whatever snacks and I sell them at school. After I sold them all, may sweldo ako. πŸ˜‚


ElectricalFun3941

Nagbubunot ng uban ni mama πŸ˜†


MaynneMillares

Nung high school ako, I went underground services, offered my classmates and other sections na ako gagawa ng assignments and school projects nila for a fee. Nagpatuloy ito, nung 4th year graduating class ko nung college, I made two thesis. One for my group, at yung isa binenta ko sa isang ka-batch.


Ok-Bread-6412

kupit para makapag tong-its, lucky nine at nanalo naman. nag flofloorwax at lampaso sa kapit bahay.


MattsCradle_dot_com

namumulot ng mga recyclable plastics, tanso, bote, bakal para ibenta sa junk shop. Seryoso ito.


FishManager

Nagbebenta kami ng bunga ng local specie ng palm tree. By caltex yung bentahan dun sa mga gumagawa ng beads for accessories. Naglilibot kami kung saan saan para hingin yung bunga. Tuwing Nov 1 and 2 nagbebenta kami ng tunaw na kandila. By kilo bentahan nun. Consistent na kita yung may nagpapabili na sigarilyo. 50 cents to 1 peso kada pabili ng kapitbahay namin. Daily yun. Nag-aagawan kami sino ang bibili ng sigarilyo nya.


Flimsy-Intern4985

Binubunutan ng puting buhok or patay na buhok yung mga tanders sa bahay. Pati nagbebenta ng stationery πŸ˜‚


Purple_Dance330

Magpataya ng ending ng basketbol


Gold_Practice3035

-Nagbubunot ng uban -nilalabhan yung uniform ng kuya kong military (mahal bayad kasi mabigat yung tela) -nagbebenta sa klase ng yema, mentos, at mga anik-anik sa buhok -gumagawa ng accessories


https_lizz

Sweldo kay Mama. Nananahi sya dati tapos ako yung taga trim πŸ˜†. 5 pesos isang bundle


CharmingMuffin93

Nagbabantay ng magpapahangin sa gulong, solb na pag naka bente, may dalawang piattos na ko 😁


Far_Atmosphere9743

Pusta sa dota 1 at basketball, mostly dota 1, baon kong 50 gawing 500, depende pag may dayo, same sa basketball pero mas malaki pera sa dota 1, hanggang sa college ganun pa din, dota 2 na at completely nawala na pagbabasketball.


gaffaboy

Naglilinis ng bahay tapos namumulot ng mga chits at bote ng softdrinks sa school haha.


Prestigious_Ad_8848

pustahan sa dota 1 at counter non. up until first few seasons ng lol. ng buy n sell din ng yugioh cards around plm


lost-erein

Taga-tulong Kay mama gumawa ng mga hikaw and bracelets back in kindergarten. Na sold out namin yun since nagamit yun for our ground demonstration and marami kming students nun kahit kindergartners plng.Β  Back in elementary naman, ako taga tinda ng mga gummies, yogurt sticks, mlik and chocolate powders, graham balls, angry bird ballpens, etc. mga kinukuha ni mama from the city and ireresell dito sa province namin. Syempre di pa same paninda noon sa city and province and not like today na may mga shoppe na. Laging sold out paninda ko noon half day plng ng klase. SYEMPRE WALA ME COMMISSION πŸ˜ŒπŸ˜… I always forgot to ask or didn't dare to ask as a middle child lol. Ayun lng free ako kumuha ng isang piraso sa products. Pwede pa noon bumenta sa loob ng classroom plus nagpapatinda din si mama sa canteen. President din pala me sa section namin wahahaha saya lng. Some of my classmates also help me sell sa ibang sections.


Giyuu021

depositor, tagabayad ng bills, tagaclaim ng remittance, may 50-100 ako dun palagi, nilalakad ko na lang para akin pamasahe


titamilk

Printing service. Zero capital cause I used my dad's printer and bondpaper at home. Lol


OpenCommunication294

Iniipon ko baon ko tas pag weekend binibili ko ng cd hahaha


corporal_sniffles

Tagabunot ng puting buhok. 25c isa. Haha


Beneficial_Rope4121

Inaantay matapos mag inuman sila papa at mga tito ko para makuha yung deposit ng redhorse na bote


kwickedween

Nagbebenta sa eBay ng mga stuff na di ko naman ginagamit particularly branded items gifted by titas from US haha natatawid ko ilang summers na walang allowance dahil dito. This was between 2005-2009.


umaborgee

Walang kainan sa school para makatipid ng baon. Tapos pang dota or cs lang din . Hahaha


Substantial_Sale_635

Age 6-8, nagtitinda ako ng mga laruan tuwing Linggo sa palengke. Yung mga laruan galing Baclaran pinapadala ng tita ko para yung kita pang-school ko kasi both parents wala stable na trabaho. Kasama ko Lola ko lagi kasi nagtitinda naman siya ng damit at Avon. Age 8-15, tuwing sembreak at summer break, nagtitinda ako Bbq at Halo-halo sa labas ng bahay o kaya sa may basketball court kapag may pa-liga samin. Nung bata-bata ako katulong ko Nanay ko sa pagtitinda pero nung natuto na ako, ako nalang pero kukunin lahat ng Nanay ko napagtindahan tapos bibigyan nalang ako ng baon sa school. Minsan namumulot kami ng kapatid ko ng mga lata, pako, alambre, tapos ibebenta sa junkshop


Emergency-Song6327

tapon basura, tapos kalakal


JobuTupakin

Nagbebenta ng paperdolls nung elementary! Come highschool and college, taga gawa ng project/assignement na kelangan ng drawing or any arts-related output.


oncezenie

Nagbenta yelo


Livid-Woodpecker1239

yung tita ko nag luluto ng banana que, turon and kamote que tapos kami ng pinsan ko mag lalako. Kapag napaubos namin may tig sampu kami tsaka isanh turon πŸ˜† kapag pasko naman nag dadance caroling kami 2ne1 era.


Turbulent_Dingo253

Bebenta ng kalakal sa junkshop para me pang comshop


Bum_bum_2626

Kupit sa wallet ni Mama, namamasko, mga nagbibigay ng pera pa birthday tas delihensya kay papa 🀣


Gleipnir2007

nagdradrawing ng anime chars tapos binebenta ko sa kapatid ko at mga kapitbahay namin. di naman ako ganun kagaling magdrawing, marunong lang ako kumopya ng medyo ok pati proportions hahaha. pati project minsan, may kasamang drawing component, ako gumawa nung sa utol ko. ayun ginawang model display yung el fili drawing ko sa library ng school.