T O P

  • By -

aescb

'Yung pinapakialaman ako pag nagluluto. Ako pinagluto tapos kung anu-anong sinasuggest na isahog or ilagay sa niluluto. E di sana sila na lang nagluto.


jpluso23

Nanay ni OP spotted


unholybitchhh

HAHAHAHAHAHAHA NAGSAGUTAN SI MOMMY AT SI OP 🤧🤣


MidnightPanda12

Dito pa kayo nag away. Kakaselpon mo yan eh.


psychedelicfilipinx_

hahaahhahaah winner!!! 😂


Ill-Reflection807

HAHAHAAHAHHAA may sagot agad e


LostTomorrow8184

Omg relate ako super😭I remember one time I was cooking kinamatisang manok. Nag-cr lang ako as I was waiting for it to cook, and then kabalik ko biglang nilagyan ng gata ng ate ko and made it into something na ginataan. Like wtffff


aescb

'Yung akin naman pakbet sana tapos nilagyan ng rosemary ng MIL ko. Ang dami pa nyang nilagay. Ang pakla! 🥲


keepitsimple_tricks

This. Pag nagluluto ako, it's MY kitchen. Kahit nanay ko o si Gordon Ramsay pa yan, palalayasin ko sa kusina if giving unsolicited advice. Kung hindi ako sure ako mismo hihingi ng opinyon.


Nashoon

Ito! Hatest ko yan.. tapos pag sila na nagluto tanong pa din tanong sakin kung ano ba dapat una ilagay.. please.. leave the kitchen to me para peaceful ang kain natin 😂


boredhooman1854

This! Then if nalaman nila na yung specific ingredient na nilalagay ko nag rereklamo kesyo sarap na sarap sila


Master-Intention-783

Si Mamiii nagr reddit 😭😭😭😂😂😂


dcab87

Pati yung nagliligpit agad habang nagluluto ka pa. Itatapon yung mga pinagpakuluan mo ng karne, or yung mga shells at ulo ng hipon na di mo pa naeextract yung flavor. Haayy.. kakainit ulo.


sarsilog

tapos yung nakikialam hindi naman marunong magluto. ang daming asinine suggestions na alam mo namang hindi gagana tapos pag ginawa mo at olats yung pagkain, yung execution mo pa yung sisisihin.


pldtwifi153201

True nakakainis talaga yung ganito. Lalo na yung kunwari iniwan mo saglit kasi pinapakulo mo tapos biglang bubuksan tapos hahalu-haluin. Bwiset! Isang beses nagluto ako ng spaghetti sauce. Pinatay ko na yung kalan kasi luto naman na eh. Yung tita ko pala binuksan pa yung kalan tapos nilagay pa sa high para daw mainit pag ise-serve. Ayan tuloy nasunog.


verified_existent

Malupit dun hindi sya sure anu niluluto pero ang dameng suggestionssss


SJ007700

Omg same. I would understand kung feedback pero sasabihan ako "sana nilagyan mo ng mushroom". Mushroom sa Taco Baked for real??? Halatang mema nalang kasi lahat nasarapan naman and even asked for my recipe.


juana0201

Yung ang daming sayyy. Sana sila na lang nagluto. Makikihalo pa bigla!


mamoncheeks

sinigang na hindi maasim adobong matamis maraming mantika ang nilalagay pag mag-gigisa


miniature_Mom

Agree sa sinigang na hindi maasim. Kakainis yon, sana nilaga nalang niluto hindi sinigang


dcab87

Nagluto ng ganun tatay ko dati nung panahon ng COVID, kinabahan ako bigla.


DrawerHappy5274

Bwahahahahahahahahahahaha lt to


Ok_Resolution3273

Ayaw ko din sa sinigang na hindi maasim at sa matamis na adobo. Humba saamin ang matamis na adobo. Adobo saamin maasin na may konting asim.


MidnightPanda12

I hate adobong matamis. Like its supposed to be a little bit tangy due to the vinegar and salty due to the soy sauce pero yung nilalagyan ng asukal. 🤮


MalabongLalaki

I love humba! Kunti lang nakakaalam sa legit na humba dito sa manila


ezraarwon

Agree sa sinigang na hindi maasim T T


Any-Particular-4996

Same. Nkklk sa inlaws ko sanay sila sa sinigang na di maasim tapos ang sawsawan patis na may calamansi para umasim daw. Like, Siraulo po ba kayo? 🤣


erosugiru

I loooovveee sweet adobo


Other-Butterfly5229

papa ko ayaw na maasim yung sinigang na hipon kaya ginawa ko nilaga nalang nagreklamo ba naman bat di daw maasim


Vipeeeeer

Adobo with pineapple master race


Overall-Eagle-1156

Pano po ba pinapaasim yung sinigang? maraming sinigang mix?


mamoncheeks

maraming ways!! it could be natural sampalok, batuan, or kamias. hindi maganda yung maraming sinigang mix kasi lasa mo na artificial lang yung asim kumpara sa tunay na sampalok


lezpodcastenthusiast

Adobong matamis hate ko, yung brother ko usually nagluluto sa amin and I just hate it na everytime may inaadobo siya ay nilalagyan niya ng oyster sauce. I prefer patis.


itsmeatakolangpo

yung adobong matamis, nakakawalang gana kumain


RixTT

Kapag nagtitipid sa bawang at sibuyas


forgotten-ent

Ang galante namin sa ganyan noon. Pero ngayon nakakakonsensya na ilagay yung isang buong sibuyas sa lutuin. Minsan 1/3 lang tapos sa freezer na yung natira hahahaha


TeleseryeKontrabida

Mas tumatagal ba sa freezer? And gano katagal pag sa freezer? Nilalagay lang sa foodkeeper? Sorry, first time ko kasi nalaman pwede pala yon.


forgotten-ent

Nagwork nanay ko overseas at dun niya nakuha. Ilagay mo sa freezer then use when needed. The longest we had them kept was probably around 2-3 weeks, and I think it can still go for more. I can't vouch for the flavor, though, since di talaga sensitive panlasa ko but sabi nila same parin. Itabi mo sa ice kung gusto mo. Just make sure to keep it covered with disposable containers/resealable plastic bags or whatever you prefer para di mangamoy sibuyas yung ice niyo. Same thing can be done to bread. If you bought too much, chuck them in the freezer and take it out when you want a toast. Ginagawa ko is lagay ko lang sa pan and slow fire then soft na ulit yung bread. The same fluffy bread comes out, especially when you compare it to stale bread you had in the table for days (in my uneducatedguess about the matter, I *think* it is a moisture thing). If you want toasted bread, do it in a higher heat setting.


Inevitable-Media6021

Yup pwede yun. Garlic in oil, ginger, sili. Actually maraming pwedeng i-freezer pag di masyadong nagagamit kesa masira lang sa ref.


n0_sh1t_thank_y0u

Food keeper din yung tira kong sibuyas pero dapat kinabukasan gagamitin na. Pag nai-freezer ang sibuyas na matagal, hindi na sya okay pang-stir-fry (nalalamog) pero okay lang kung sa pangkulo.


magichat360

Kitchen pet peeve in general, yung pag may gumagamit ng kusina ko tapos natatambak hugasin nagluluto pa lang (yung magluluto lang ng instant noodles at fried egg, kala mo nagluto ng menudo).


No_Lecture6490

ay true. dito samin makikilala mo kung sino nagluto for lunch. kapag si tatay, nakahugas pa lahat ng pinaggamitan. kapag si nanay, lahat ng ginamit nakaiwan kung san huling ginamit 😭


conyxbrown

Porkchop sa sinigang. Hindi masarap!!!


SaulGoodmanJD

Ginawa ganon minsan ang asawa ko kasi akala nya “pork is pork”. Ngayon pork chops are only used for Vietnamese lemongrass pork (which she makes and are delicious!


jotarodio2

Yung gusto ko ako lang habang nagluluto


Melodic_Doughnut_921

samedt


jotarodio2

Ang sikip na nga kusina tatambay pa don jusko HAHAHQHQH


EfficientRabbit658

Overcooked shrimp :( people tend to cook it until it’s super tough and rubbery instead of being soft and juicy


gploony

Shrimp na hindi na de-vein


Faustias

I learned from my dad, kung sinigang, lutuin na lahat bago yung hipon. aside making it juicy and tender, hindi dumidikit sa shell yung laman.


ikaimnis

This, kaya namin tinatanggal ang ulo para maluto una kasi ang body/meat ng shrimp ang bilis maluto.


SubstanceSad4560

tigas nyan


tala_rtt

Too much oil sa paggigisa, yung chicken na may onti pang mga balahibo 😖


rndomhoomn

+1 sa manok na may balahibo. sama mo na pati yung balat ng baboy na may buhok buhok pa 🥹


sooniedoongiedori

- Garlic fried rice pero yung buhay pa yung bawang, as in di pa brown huhu - Di naman ako purist pero sakit sa puso makita yung sabihin na authentic ang pinakbet tapos puro kalabasa 🥲


jkgrc

Lol "kalabet" na ata tawag don


No_Remove_3319

Maraming hugasin after


droonick

Ang trigger ko sa in-laws ko naman, hulog nang hulog ng peelings, kalat ng gulay, etcetc sa kitchen sink at iniipon pa na akala mong may waste disposal unit.


TeleseryeKontrabida

Hindi ako mahilig magluto pero pag nagluluto ako for someone, I do it because I care about them. So it pisses me off pag madami reklamo after about the food. I welcome constructive criticism, pero uncalled for remarks - eff you. Mabulunan ka sana. Another is yung niluluto ang steak ng well done lol Oh, and pag matamis yung food na ordinarily di naman dapat matamis.


yen48

agree halos lahat, except for the well done steak. I prefer mine well done 😅 Mapa-eggs, meat, etc, well done gusto ko..


HelloFriday94

Mapurol na knives, kulang kulang na gamit sa kusina. Kulang ang rekado


maximinozapata

Shete, matagal ko na pala dapat napadala mga kutsilyo namin sa naghahasa kasi sobrang purol ng iba.


jjjjjjjjjjjnnyy

+1000000000000 sa kulang na rekado and/or pinapalitan yung rekado. Tapos sasabihin "pwede na yan"


regalrapple4ever

Pasas


Aramisua

Pinapapak ko pasas pero never ko siya nagustuhan pag hinahalo sa ibang bagay like ulam or baked goods.


fluffyderpelina

lalo kapag nasa tomato-based sauce or sa embutido. urhgfhhfhh


Vipeeeeer

The trick is to chop it finely, as in parang mawawala siya. Ayoko din sa pasas pero iba yung aroma kasi at complex yung tamis niya pag nasa macaroni salad at mga menudo


regalrapple4ever

No. Thank you. Pasas adds nothing to menudo and macaroni salad.


rndomhoomn

I beg to differ. It adds a challenge sa kakain para tyagain alisin isa isa yung pasas. If may naiwan kahit isang piraso, yari na dila mo HAHAHAHA


n0_sh1t_thank_y0u

Sa ibang dish kailangan sya actually. Gaya sa biryani. Hindi balanse yung dish pag walang pasas.


coffeegintoki

matamis na spag dahil sa may asukal/evap/ap cream or maasim kasi may banana or ung cheap na ketchup na nasa galon, yak!


No-Log2700

yung nasa galon na ketchup, yun yung mga pang karinderya-style spag hahaha


SmkpastryIZE

Luya. Okay naman siya pampatangal ng lansa etc. Pero once makagat mo yan zzz


jpluso23

Yung mga luyang nagpapanggap na manok!!


Great_Alto

nabiktima nako niyan kada kumakain ng arroz caldo hahahaha


chaboomskie

I rarely use ginger if cooking pero if I do, I chop/mince it ng maliliit or slice thinly para kahit makain or makagat ang luya, di nakakagulat sa lasa haha


Sea_Top1087

Corned beef na masabaw.


MistressFox_389

I remember ganito dati yung corned beef namin kase isang lata lang yung pagkakasyahin sa buong pamilya. Nilalagyan pa ng gulay para rumami at magmukang gulay na may konting corned beef. Date yun, di na masabaw corned beef namin. And tbh nakakasawa na mag-ulam ng corned beef🤧


psychedelicfilipinx_

totooooo


croohm8_

Sarap ng corned beef na pinacrispy!


shiilaaa

1. Yung pinapakialaman ako mag luto. Example: umalis lang ako saglit, may naghahalo na ng niluluto ko like kakahalo ko lang kalmahan mo munaaaa or bukas ng bukas ng kaldero, hintayin mo kaya muna kumulo dibaaa 2. Maraming hugasin pagkatapos GG


MidnightPanda12

Pag may nakihalo sila na paglutuin mo.


Western-Historian306

Ganyan din ako, ayoko ng may nakikialam sa niluluto ko, unless pinagbilin ko sa kanila saglit 🤣🤣🤣


JumpingSalad_18

Pag sa ibang bahay, yung ginagamit pang tikim yung mismong sandok na panghalo sa niluluto 😭


gploony

We don’t mind this naman sa bahay kasi kami2 lang and di maselan. Pero not when cooking for guests or sa camping.


Anxious-Young-3273

Kadiri to. Hahahaha nag papatikim ako ng luto sa asawa ko usually inaabot ko kutsara. One time sabi ko tikman di ko napansin kase naghuhugas ako ng ginamit ko. Shuta sandok pinang tikim kinuha ko agad at jhinugasan nagtataka pa bat ako inis.


SuckMyDicKbaby001

Yung panay reklamo tapos di naman nagluluto hahahaha


i_love_kamias

ano pet peeve nyo sa pagluluto ng ibang tao habang kayo nag aantay lang kumain?


_in33dsl33p

‘Yung nagpeprepare and nagluluto na may relo or anek anek na suot sa kamay at daliri.


unladylike89

Or yong SUPER haba ng nails 😭


Zeus_theG1999

Yung nagluluto ka ng almusal pero hindi pa natapos lahat maluto pero pinapapak yung naluluto mo. Ending, konti nalang ulam.


Bfly10

hatawin mo ng sandok.


Professional_Egg7407

Bayabas sa sinigang! Yaaaakkkk!


67ITCH

Bayabas + sinigang = anghit soup. Labanos + sinigang = utot broth.


Professional_Egg7407

Nailed it LOL!


[deleted]

trueeeeeeee!!! nakakawalang gana. ako na lang sana ang nagluto


MidnightPanda12

Ang baho kasi talaga ng sinigang sa bayabas. Hinog na hinog yung putok. 🤢🤢


anyaaaa06

Baho sa hininga bhie!!


SeksiRoll

Masuka-suka talaga ako nung kumain ako nito! Never again! 🤮🤮


[deleted]

- Overcooked/overboiled noodles of any kind - Clumpy/wet fried rice - Savory dishes loaded with sugar. (caldereta, kare², menudo, pasta dishes, sisig, dipping sauces na dapat sour and salty lang) - Soups or broth that is not piping hot - plastic spine left inside squid - matabang na singing, (weak on the tamarind) - undercooked fried chicken - makunat na Bagnet, Lechon skin, anything that is supposed to be crunchy or crispy - lupaypay na gulay. Half cooked preferably. - runny/watery sauces ng ulam na dapat medyo thick - Bicol Express na Hindi ma-anghang - sizzling steaks on a platter na Hindi nag-sisizzle (kapag hundi pa piping hot ung cast iron plate pero it's being served agad) - Sobra sa anything that cannot be remedied.


anon_639

+1 sa sabaw na hindi ka napapaso kapag unang higop 😂😂


fluffyderpelina

overcooked pancit canton. tapos yung mga malalaking hiwa ng garlic. surprise!


ketsup1985

I don't like powdered gata. I either use fresh gata if available or the canned one. Kesa yung powder.


thor_odinsson08

Cardinal sin yan sa household namin na Bicolano. We even notice kung canned yung gata na gamit. Iba talaga ang totoong gata.


Jacerom

Yes! and it's so weird haha. Hear me out. Di ako kumakain ng malansa at basang isda haha. Example: Sinigang na isda, kakainin ko yung gulay and yung sabaw pero yung isda hindi. Kapag naman nakalasa ako na malansa ang isdang prinito, nawawala agad gutom ko. Haha.


ednalynmnnsla_

kasi?


Kawfry

lasang podai ata


swita09

Yung kalabasa di tinatalopan. Yung ends ng sitaw, di kinukuha. Yung lutong gata, malabnaw. Yung isda may laman loob pa, pait kaya nun. Etc hahha


Inevitable-Media6021

Kahit paglutuin mo na akong buong araw, wag lang talaga ako pag-hugasin ng mga ginamit hahaha 😂


imperfectmum14

Kaya I thank the heavens for my SO. Pag nagluluto ako, matic tagahugas siya. 😂


serendipity_curl

ung mga unnecessary luya sa mga ulam na dapat walang luya. jusko


maxxwelledison

Pag nilalagyan ng magic sarap di ko kinakain.


cut3y

hinahanap ko talaga to, same! like alam ko talaga if nay magic sarap yung food


McLovin_64

Yung pag ikaw nagluto, ang linis mo na iniiwan yung kusina at lababo as in punas lahat saka naibalik sa tabihan yung lahat ng ginamit mo. Tapos pag sila nagluto kahit nagprito lang ng itlog o hotdog o kaya naman nag gisa lang ng kung ano grabe yung gulo saka ang kalat kala mo may fiesta e. Iiwan lang nila yon hahaha awit men. Sarap mag domain expansion e Ryoiki Tenkai Malevolent Kitchen. HAHAHA


purplerain_04

Personally, it's cheese on a lot of sweet dishes. Suddenly, may cheese ang fruit salad? Buko pandan? Pichi-pichi? Puto Bumbong? Etc..


anon_639

IMO since cheese is salty, nababalance nya yung sweetness ng mga dessert.


[deleted]

ang ayoko ay yung cheese sa tahong


anyaaaa06

Everything mentioned acceptable na may cheese kasi it balances the sweetness nung dessert pero first time ko makakita ng may cheese yung buko pandan! 😖


goldenhaz

I'm a cheese lover pero sa buko pandan? Nuh-uh hahaha mas tanggap ko pa sa macaroni salad


[deleted]

Oks naman ang cheese sa fruit salad. Matagal ng ganyan


SubstanceSad4560

masarap ang fruit salad with cheese balance sya huhu


avemoriya_parker

Cheese sa buko salad na nagpapanggap na prutas 🤢🤮


ikaimnis

Ginger in my Adobong Baboy.


gploony

That’s not a pet peeve. It’s an actual crime.


adingdingdiiing

I'll do you one better: ginger in corned beef!🤢 May "chef" kami na distant relative na dumalaw minsan. Nagkusa siyang mag-prepare ng breakfast tapos yun yung hinanda niya. Corned beef na may LUYA! Tapos ang hirap alisin kasi minced e. Badtrip! 😡


ikaimnis

Ewww ginger sa corned beef, iniisip ko pa lng 🤢


Melodic_Doughnut_921

calm down satan 😂


Accomplished-Tip8980

Ginisang munggo na masabaw


Oatmeal94V

Ayaw ko yong may magtatanong kung “nagluluto ka ba?” randomly. Syempre sasagutin mo ng oo. Never ako nag claim na magaling ako magluto. Marunong lang. Nakakairita lang na may follow up pa na, pano magluto ng ganito?


Anxious-Young-3273

Taena tawang tawa ko HAHAHAHAHAH


robotxt

Kaya nga bakit kala mo ba cooking show to?! Panalo to! Hahahaha


jpngirl19

Ayoko yung squidball and kikiam sa pansit


MjolnirVIII

Pet peeve ko sa pagluluto yung pinagluto Kona nga pero Ang daming pang complain at comment kung paano ko linuto. Sa susunod, ikaw nalang magluto.


d-silentwill

Yung maghahanap ako ng vlog ng nagluluto tapos si vlogger mamshie ng mamshie sa viewers. Uhm, Hello di lang po mga mamshie ang gusto matuto magluto.


Middle-Jury8953

I feel you, dadshie.


AdDecent7047

1. Nanay kong pakielamera pag ako ang assigned na magluto. Kaya nagiging palpak yung output. Kagigil minsan ![gif](emote|free_emotes_pack|smile) 2. Sinigang na bangus o daing na bangus - dapat boneless, trauma ko noong bata ako ng mastuck yung tinik sa lalamunan ko 3. Hibe (Dried shrimp) - nasusuka ako sa lasa nya lalo na kapag hinahalo sa mongo, same sa tinapa. 4. Sobrang lansang isda kahit anong klaseng luto pa yan. 5. Star anise sa paksiw na pata - ewan, ambaho nya. 6. Pasas sa kahit anong dish


theoddcook

Commenting because I see a lot of kindred spirits here.


hdv2017

Too sweet ulam like very sweet longganisa or tocino.


ThatConversation9643

Kapag kupad maghiwa. I mean may kanya-kanya naman tayong ways pero ayaw ko lang mabagal hahahahahaha eme


regalrapple4ever

Okay po, chef.


gploony

Yung mga missing ingredients kasi nag rearrange na naman ng kusina wife ko and I have to ask her kung saan 😭 ruins my flow and my mood


Mellifluous_Scream

Yung nangingialam sa pagluluto ko. Oh, Ikaw na lang.


Mocat_mhie

Sunog na bawang Msg


Malicious_Spaghetti

I don't mind msg, may dagdag na savory-ness and sweetness sa mga lutuin


site_b

Pinya sa ulam Hindi nasangkutsa un manok sa patis pag tinola Bagnet sa sinigang


strawbaeweep

yung ako ang pinagluluto. not chariz. hahahahaha on a serious note, i detest oily/madulas na handle ng kubyertos/serving spoon/spatula, etc. it really irks me to the core!!


nanikkaaa

kapag dalawa kayong nagluluto sa kusina tapos kuha siya nang kuha sayo ng rekado


muhammadalithegoat

yung magluluto ng ulam tapos gagawing napakaanghang na putanginang parang ayaw na ipakain sa mga tao pwede naman sana yung tamang anghang lang eh, masarap pa at malalasahan pa yung ulam mismo grrr hahahahahahahahay


Cold_Most_9270

Kapag nakita ko sa bahay na nakahiga lng or nanunuod ng tv while I am cooking pero ayuko rin makekelam sakin sa pag luluto 🤷🏻‍♀️


emanon30

Yung kukuha ng kanin sa gitna, Di ko alam kung gusto nya ba maka kita ng donut na kanin. Or sadyang iba lang talaga turo ng magulang.


Anxious-Young-3273

Fluff your fckng riceeeee!!!!!!!


ensomnia_

yung mantikaaaaaa pag lahat ng gamit mamantikaaaaaaa jusme ang sarap magwala sa kusina pag ganon hahahahaha


tepta

Latang kanin. Sana nagbiko na lang ako.


silvermistxx

Pasas sa lumpiang shanghai


rheirhei

Tinapa powder instead na real tinapa sa munggo


jakin89

Putangina lng ng ibang carinderya. Like 15-20 pesos lng yung sinigang mix grabe kayo magtipid. Eh pag mas masarap nga sinigang niyo mas bibili customer extra rice. Edi sana niluto niyo na lng nilaga.


mukhang_pera

Nakatikim na kayo ng sinigang na halo halo? May isda, may hipon, may baboy. tanginang abomination e.


lezpodcastenthusiast

Yung nilalagyan nang magic sarap yung itlog


Momshie_mo

Yung hindi gumagamit ng totoong sampaloc sa sinigang na sampaloc, gumagamit ng boullion cubes imbes na isimmer ng matagal ang beef/pork/chicken para lumabas ang lasa.


Jisoooon

Yung hugasin after


spiritr528

Banana ketchup sa spaghetti, mga ulol


Ok_Author4039

Yung makalat pag nagbabalat ng mga kung anong binabalatan. Ako kasi, I always have plastic, para pag nagbabalat deretso dun then tapon sa basura.


thatcrazyvirgo

Pag ako yung pinagluluto tapos magrereklamo sa lasa habang kumakain. Sinasabi ko talaga, "edi kayo magluto sa susunod." I mean pag may mali, ako naman unang pumupuna. Pero yung sinasabihan ng ang tabang, kulang sa asin etc paulit-ulit, ay kakairita.


Anxious-Young-3273

Same sa nanay ko naman yung mga rants niya na "ANO BA YAN PRINITO PA YUNG PATATAS, CARROTS, AT BELL PEPPER ANG ARTE KAYA ANG TAGAL MO MAGLUTO" pero sarap na sarap sa Kaldereta ko. "Ano ba yan bat andami naman sahog ng pochero mo! May bilbao pa" Ako naman bumili mas masarap naman talaga may Bilbao. "Jusko!! Adobo lang napakatagal mo magluto!" Ehh need mo medium heat pag adobong baboy para di tumigas. HAYYY NAKOOO MAAAAAA TAMAA NAAAA


WolfPhalanx

Sorry diko pa natry ang legit miso with Sinigang laging seasoning. Ma try nga next time. Yung naglalagay ng bawang tapos hindi inaalis ng maayos yung balat.


pedxxing

Maghiwa ng onion


Melodic_Doughnut_921

sibuyas sa adobo potaaaa


anyaaaa06

Hahahahahaha nagugulat ako pag nakikikain ako sa ibang bahay tapos adobo ulam tapos may sibuyas 🤪 bistek ba to o adobo


Melodic_Doughnut_921

pota lng tlga


furiousbean

Teka lang, walang sibuyas sa adobo?????


sabi_kun

sorry n


Ok_Somewhere_9963

Haha. Parents ko ganun dati magluto. Nung nagaaral na ako magluto dun ko lang nalaman na yung adobo wala talagang sibuyas. Saka ko narealize na ang laki din talaga ng difference sa lasa nung walang sibuyas vs sa meron.


Aramisua

1. Di ako marunong para sa isang tao kaya lagi akong maraming leftovers 2. Pag nagluluto ako, di ko ugali na tikman kasi nagluluto ako with other people in mind. Pag pinapatikim ko sa kanila para makapag adjust ng timpla or ingredients, napipikon ako pag sinasagot sakin "ok lang". I need input, bitch!!!


[deleted]

Ibig sabihin ng "ok lang" is sakto na ung timpla.


Weekly_Pickle89

Ibig sabihin noon ipatikim mo din sa iba. Di rin nila alam kung paano i-repair ang timpla. 🤣


greenteablanche

1. Super soggy and super wet scrambled egg - yung western style - I don't like it 2. I can tolerate ube cheese, but I cheese on buko pandan is slander. 3. Using margarine or butter blend for croissants and laminated pastries. I know it's a budget issue, but I tasted croissants where butter blend/margarine is used and it is not good. 🥲 4. filipino carbonara feels like a sin after tasting the real thing. Just call it something else. 🥲


seasameShitz

yung pasas sa macaroni salad ansarap pero sa ulam siya d ko keri kainin


maxstanneon

Makalat yung kusina. Hehe. Magluluto ka ng nilagang baboy,, pero nakakalat pa mga ginamit mong sangkalan / kutsilyo / bowls / kutsara / atbp. Hinuhugasan ko kasi agad yung mga utensils na hindi naman na ginagamit habang nagluluto ako.


SweetSuspicious7870

Hoy masarap yang knorr sinigang sa miso T.T Lasang Miso soup talaga. Yung miso paste kasi ng pinas parang mashed tokwa lang ahhaha. Anw for me: Spaghetti na gawa sa catsup and may corned beef. Sweet spaghetti (jollibee style). Idk but mas bet ko yung sour and salty spag T.T Pasas sa ulam. Dinuguan na laman loob ang laman.


adingdingdiiing

Pag naglagay ng pasas. Kajit anong ulam, basta nilagyan ng pasas.🤢


Kakampunk

Kapag may naiiwang piece/s ng egg shell sa dish or pastry tapos makakagat mo. To quote from Preppy Kitchen, it makes the food so "depressingly undelicious."


Fun_Salamander238

Yung mga reklamador sa mga niluto ko na akala mo kadali gawin ng putanginang putahe na yan. Halatang palamunin si gago ampota.


Youngggg_King

Dugyot sa mga ginamit


yoojungshi

Pag sumusunod ang asawa ko para hugasan ang bawat gamitin ko. Jusko. E gagamitin ko pa ulit yon!?


Remarkable-Brick7685

Pag mala puto na yung sinaing na kanin, nawawalan ako ng gana


Artistic-Mouse-6803

Double dipping nung spoon at kung saan saan pinapatong yung sandok, also yung tinataktak yung sandok sa kaldero. 😂


Reixdid

Ayaw na ayaw ko sa lahat ung minamadali pagluluto. Nagpprito ka ng chicken, gusto lakasan apoy para daw maluto agad. Eh pag yan undercooked sa loob sasabihan ka ano ba naman yan hilaw magpprito nalang manok. Gago.


Throwawayat1023pm

Sobrang matamis na savory dishes


immostlycurious

Nakapagluto ka na nga, hinanda mo na, lahat nasarapan, maliban sa isa na mareklamo. Isa lang naman issue, "di ganyan magluto yung nanay/asawa ko." Pota, dun ka magpaluto.


Jib4ny4n

sibuyas sa adobo


tim00007

Raisins on anything savory is an abomination.


dznnnnnnonnnnn

Yung makalat mag luto 'tapos andaming ginagamit sa kusina tapos hindi nmn hinuhugasan pagtapos, tapos kung san san pa nakalagay🤦‍♂️


mochi_yars

petty pero naiinis ako minsan sa tatay ko pag nagluluto ako, sasabihan ako lagi “wag mo kalimutan paminta, o asin” LIKE DUH OBVIOUS NA SANGKAP YON IRITa


RatherMeYes

Pag nagluluto ka ng fingerfood tapos may dadaan tpos kukuha na ng isa. Tpos mayat maya na sila kukuha. Di ka pa tapos mag luto, nakain na nila lahat.


Yvoooooooooooo

Pag mag luluto ako tapos di completo ung ingredients, napapa sugod talaga sa palengke😅😅


[deleted]

Wala akong pet peeve sa pagluluto kaya siguro tumataba ako lalo😀


Great_Yogurt_8190

Hindi marunong maghugas ng pinaglutuan. Halos lahat ng gamit sa kusina, nagagamit.


Eduardism

Palabok na walang tinapa. 😒


Emergency_Welcome_21

USING MY OWN KNIFE! FUCKKKKKKKKK! ​ ​ \- CHEF CHICO


x_xx

Pag bisita ako sa ibang bahay at ka-close ko ang host... nagvo-volunteer akong maghugas ng pinggan. Pero pag mabaho ang pang scrub at mukhang 3 years nang ginagamit at guta-gutaytay na... Kadiri!!! Punyeta, maghugas kayong mag-isa nyo. Isa pa: minsan tumulong akong magluto sa pinsan ng asawa ko. Yung chopping board nila ay 'yung puting plastic na mabalahibo na, manipis na sa gitna, hindi na flat at my amoy pa.. Sa sobra kong bwisit, pumunta ako sa department store at bumili ako ng isang set ng epicurean chopping board.